Derek Ramsay, pinatunayang may hatak siya sa takilya!

P7 MILLION at patuloy na pinipilahan sa takilya ang Corazon, Ang Unang Aswang na pinagbibidahan nila Derek Ramsay at Erich Gonzales sa ilalim ng direksyon ni Richard Somes. Puro positibo ang feedbacks at sa patuloy na pagdagsa ng mga manonood sa mga sinehan, ‘di kataka-takang ma-ging isa ito sa blockbuster ng Star Cinema pagkatapos ng UnOfficially Yours.

Sinira nito ang paniniwala ng iba na kumikita lang daw ang mga pelikula ng hunk actor dahil sinuwerteng nasama ito sa nagawang pelikula at dahil sa mga kasama nito gaya ng No Other Woman at Praybeyt Benjamin. Isang art film ang Corazon at umikot talaga ang istorya kina Derek at Erich, pero saksi kami sa haba ng pila ng mga nanonood kagabi sa SM Cinema 7.

Sa pakikipag-usap namin kay Derek tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Corazon, nagpahayag ng sobrang saya at pasasalamat ang aktor sa mga taong sumuporta sa nasabing pelikula. Itinuturing ito na paboritong pelikula, kung saan dati pa ay naging bukas na si Derek na gusto niyang gumawa ng isang period movie kung saan walang makikitang traces ng kung sino siya sa totoong buhay tulad nga ng karakter niya bilang si Daniel.

Ayon kay Derek ay hindi naman niya naramdaman na vindicated siya sa Corazon sa kabila ng mga masasakit na paratang dati sa kanya, nagbigay-pahayag sa amin ang aktor na totoong 50-70% ay totoo ang sinasabi ng iba na mahuhusay ang mga kasama kaya kumita ang mga nagawang pelikula, pero sa parte ni Derek ay ginawa rin nito nang mahusay ang trabaho niya at nagampanan nito ang mga roles na ibinigay sa kanya.

Ayaw sabihing dahil kumikita ngayon ang Corazon ay vindicated ang pakiramadam ni Derek, ipinaliwanag sa amin ng aktor na Corazon, ang Unang Asawang ang titulo ng pelikula nila ni Erich, kung saan nakapangalan ito sa kapareha bukod pa sa ‘di niya makukuwestiyon ang dedikasyon na ibinigay ng direktor nila at ng buong casts at production crew, pero kitang-kita kung paano niyakap ni Derek ang karakter niya bilang Daniel.

Sa ngayon, ay sinisimulan nang gawin ang pelikulang pagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo, ang pressure na nararamdaman naman dito ni Derek ay sa direktor nilang si Direk Olive Lamasan at kung paano niya magagawa ng mahusay ang role niya lalo’t ito mismo ang pumili sa kanya.

Kinumpirma rin sa amin na naipadala na ng ABS ang bagong kontrata na iniaalok nito sa kanya, sa ngayon ay kinakailangan munang basahin, pag-aralan ng abogado, ng pamilya at ni Derek mismo ang mga detalye. Kung loyalty ang pag-uusapan, ‘di na dapat kuwestiyunin dahil anim na taong naging exclusive contract ng Kapamilya Network ang aktor, at kahit may mga offer na natanggap ito mula sa ibang istasyon na nakakalula ang mga offers ay nagawa itong tanggihan ng hunk actor.

PATULOY NA ine-enjoy ng teleseyeng E-boy ang mataas na ratings gabi-gabi, kung saan inaaabangan lalo na ng mga bata ang mga bagong adventures ng mga karakter ng mga cute at mahuhusay umarte na sina Bugoy Cariño at Deydey Amansec.

Ngunit bukod sa maaaksiyon at makapigil-hiningang eksena nina Eboy (Bugoy) at Miyo (Deydey), malaking panghatak din ng programa ang mga hatid nitong aral para sa buong pamilya tulad ng paggalang sa matatanda, pagsusumikap para maabot ang tagumpay, pagsasabi ng totoo, pagpapatawad at pagmamahal nang walang kapalit.

Samantala, lalong kaabang-abang  naman ang mga susunod na tagpo sa E-boy ngayong alam na ng pamilya ni Gabriel (Ariel Rivera) na hawak ni Miguel (Jomari Yllana) si Ria (Agot Isidro).

Napapanood ang E-boy pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS CBN.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleMommy Eva Cariño, miss na miss na si Rustom Padilla!
Next articleDonasyon ni Gov. ER Ejercito, ibabalik ng Enpress!

No posts to display