SOBRANG FLATTERED si Derek Ramsay nang makarating sa kanya ang balitang gusto siyang makasama ni Gov. Vilma Santos sa isang pelikula. Wala pa namang offer na nakarara-ting sa hunk actor, pero excited at talagang nilu-look forward niya na makapareha ang Star For All Seasons lalo’t bihira at talagang piling-pili ang mga proyektong ginagawa nito.
Ilang beses na pinanood ang pelikulang Gaano Kadalas Ang Minsan nina Gov. Vi, Hilda Koronel at ng namayapang aktor na si Dindo Fernando, minsan din palang na-offer kay Derek ang pelikulang In My Life, kung saan gaganap sana siya ng isa sa role dito nina Luis Manzano o John Lloyd Cruz, pero hindi niya ito natuloy gawin.
Positibo ang natanggap na feedbacks nang i-host ang 2011 Bb. Pilipinas, sa paglipat sa TV5 ay si Xian Lim na ang nag-host ng nasabing pageant kung saan ang Ms. World-Philippines naman sa June ang iho-host ni Derek. Nanghihinayang man ay tanggap naman ang pagkawala ng pelikula na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema, kapalit naman nito ang pelikulang pagtatambalan nila muli ni Anne Curtis at KC Concepcion, ang Nothing Compares To U at balitang ire-remake niya ang pelikulang Totoy Bato na unang ginawa dati ni Fernando Poe, Jr. at naging isang malaking tagumpay.
Sa kabila ng injury sa braso na natamo last November sa larong frisbee, sasali uli sa World Cup of Frisbee sa Japan bilang isa sa representative ng Philippine team sa dara-ting na July na nangyayari lang kada apat na taon, nagbitaw naman ng salita sa amin si Derek na matalo man o manalo ay ito na ang huling pagsali niya sa nasabing tournament dahil marami siyang responsibilidad na dapat tuparin sa tatlong taon na kontrata niya sa TV5. Pagkatapos ng frisbee tournament, tutuloy naman agad sa Olympics kung saan si Derek ang magsisilbing host sa primer nito.
SA PRESSCON ng Every Breath U Take ng Star Cinema na ipapalabas on May 16, tinanong si Piolo Pascual kung paano niya kinakaya ang lahat ng mga intriga na pinupukol sa kanya na kung mahina-hina siguro ang loob ng isang tao ay maaaring magdesisyon na lang ito na lumayo at talikuran na ang showbizness.
Ayon sa aktor, pinanghahawakan na lang niya ang pananampalataya niya sa Diyos at dahil kilalang isa sa aktibong miyembro ng Victory Fellowship, ganu’n katatag ang pananampalataya ng aktor para malagpasan niya ang lahat.
Kapansin-pansin din ang sobrang closeness nina Piolo at Angelica Panganiban, na unang nagtambal sa seryeng Mangarap Ka ng ABS-CBN na kumportable sa isa’t isa at iba talaga ang lalim na ng pinagsamahan.
Kauna-unahang comedy romance movie, tinanong namin si Direk Mae Cruz, direktor ng Every Breath U Take, kung ano ba ang pagkakaiba ng com-rom sa kinasanayan na nating rom-com. Pinaliwanag naman sa amin ni Direk Mae na parehong may elemento ng romance ang dalawa. Pero kung ang rom-com ay mas lamang ang romance, sa com-rom ay mas higit ang komedya na forte naman ni Angel.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA