HALOS ISANG buwang hindi namin nakausap o na-interview man lang si Derek Ramsay, dahil talagang unknown ang kanyang kinaroroonan. Mayroon daw itong ginagawa sa ibang bansa at tuluy-tuloy daw ang trabaho nito. Umuwi ito ng bansa may dalawang linggo na ang nakararaan ngunit parang nag-overnight lang ito dahil tumulak naman ito papuntang Japan para sa Frisbee competition sa Japan.
At nitong Biyernes, July 20, mapalad kaming muli naming nakadaupang-palad si Derek sa plug shoot nito para sa 2012 London Olympics na eksklusibong mapapanood sa free TV na ihahatid sa atin ng TV5, Aksyon TV at AKTV.
Magiliw na nakipagkumusta-han sa amin si Derek at ikinuwento niya ang tungkol sa Frisbee competition nila sa Japan. Una na nga rito ay ang aksidenteng naranasan niya during the game, kung saan namali siya ng bagsak at apektado raw nito ang kanyang kidney. Bunsod nito, umihi raw siya ng dugo. Pero as of this writing, okay na si Papa Derek. Nagkaroon man daw siya ng injury, masaya naman sila kasama ng kanyang teammates dahil pampito sila sa overall ranking sa buong mundo.
Maraming mga ikinuwento si Derek tungkol sa mga project niya lalung-lalo na ang Amazing Race Philippines, kung saan tapos na pala nila itong mai-tape at talagang in a months’ time daw ay natapos nila ang araw-araw na challenge na sobrang na-challenge daw talaga siya sa walang pahingang mga pagsubok. Pero ayaw pang i-detalye nito kung saan-saan sila nag-taping at ano ang highlights and sidelights ng show.
Ngayong araw, July 23, tutulak na si Derek papuntang London, kung saan isang buwan siyang mamalagi para ihatid sa atin ang mga kaganapan sa 2012 London Olympics. Bukod daw sa trabaho, magsisilbi na rin daw itong bakasyon niya.
After a month in London, uuwi si Derek sa bansa at 2 hours lang siya rito dahil sasakay agad siya ng airplane papunta naman sa New York para sa soft opening ng TV5 sa America. Grabe pala talaga ang kabisihan ni Papa D. Pero masaya kami sa kanya dahil nagagawa niya ang mga proyektong matagal na niyang gustong gawin.
NGAYONG ARAW, July 23 ang pinakamahalagang araw para sa aming Nanay-nanayan sa showbiz na si Nanay Cristy Fermin dahil ngayon mismo ang araw ng kanyang kapanganakan. Walang bonggang selebrasyon si Nanay Cristy ngayong taon dahil gusto naman daw niya na maging pribado ang kanyang birthday celebration along with her family. Pero marami pa rin ang nagbigay ng mga surprise birthday celebrations sa kanya katulad ng mga regulars naming tinatawag, ang mga radio listeners sa programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko 92.3 NewsFM. Noong nakaraang Biyernes ito nangyari at isang masayang selebrasyon ang nangyari sa radio. Sinorpresa rin ni Derek Ramsay si Nay Cristy sa pamamagitan ng isang phonepatch birthday message at kinantahan pa ng Kapatid hunk ang Reyna ng Intriga.
Nitong Sabado naman sa Paparazzi Showbiz Exposed, isang kakaibang selebrasyon ang naganap kung saan ang mga bumati sa kanya ay ang mga kapwa showbiz talkshow hosts. Nagkuwento sina Nanay Lolit Solis, Mario Hernando, Jobert Sucaldito, John Lapus, Ogie Diaz, Ricky Lo at Butch Francisco ng kanilang magagandang karanasan with Nay Cristy mula noon hanggang sa ngayon.
Bisita naman sa studio ang mga tinaguriang Mariposa Babies na sina Richard Pinlac, Monti Tirasol, Neil de Guia, Tonee Coraza, Ana Pingol at Liza Endaya, kung saan sinariwa nila ang mga masasayang araw nila noon sa kainitan ng Mariposa Publications.
Nagpadala naman ng mga regalong lechon sa studio sina Valenzuela Councilor Marlon ‘Idol’ Alejandrino thru Aries na kanyang staff, Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, Chicken Inato and Bai Yok Thai Restaurant owner Zaldy Aquino at si Senator Jinggoy Estrada thru Ate Rose na kanyang kanang kamay. Maraming salamat po sa inyo sa pagtugon sa aming paglalambing ng mga sorpresang regalo para kay Nay Cristy.
Muli, isang pagpapasalamat ang nais naming itawid kay Nay Cristy dahil sa kanyang walang katapusang pag-aalalay, pagtulong at paggabay sa amin bilang kanyang anak-anakan. Wish namin para sa kanya ang patuloy na good health at marami pang proyektong darating. Labyunay!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato