SA GINANAP na presscon ng The Amazing Race Philippine Season 2 last Monday, walang nagtanong kay Derek Ramsay sa open forum tungkol sa mga personal isyung kinakaharap niya. Ang actor uli ang magho-host ng season 2 ng reality game show na mapapanood simula sa October 6 sa TV5.
Pero pagkatapos ng open forum, hindi na nga nagpatumpik-tumpik si Derek nang paligiran ng entertainment press at hingan ng reaction sa pinagdaraanan niyang legal battle sa ex-wife na si Mary Christine Jolly.
Namumula pa ang mata, tanda na pigil ang pagluha na sinabi niyang luha ng kasiyahan daw ang nararamdaman niya dahil sa narinig na message of support sa pamunuan ng TV5 at sa moral support din na ipinakita sa kanya ng entertainment press na still matatag ang kanyang career, taliwas sa mga natatanggap daw niyang paninira.
When ask kung gaano ba kahirap ang pinagdaraanan niya ngayon?
“I have to be strong not just for me but for my son. So, I’m being strong for both of us right now. In time, he will see and feel how much I love him. I’m sure he already knows how much I love him,” emosyonal na bungad ni Derek.
Kung nakapag-usap at nakapag-bonding na ba sila ng kanyang 11 years old son?
“Yes, but not enough. Even though it’s in the contract that I have my visitation rights, she (Christine) didn’t allow me my visitation rights and I only see him 4 times in 3 years.”
Sa tanong kung mas magiging okey na ngayon ang “relasyon” nila ni Christine?
“Well, we’re aiming for a step forward. The thing is, pabagu-bago ang ano nila. Hindi ko na maintindihan, lagi na lang nagbabago. Their first affidavit, emotional and financial. They implied in the affidavit, I’m a rapist. Now, it’s physical. Hindi ko maintindihan. Laging nagbabago. Wala na akong pakialam sa lawyers nila, wala na akong pakialam sa affidavit nila. Basta ako, I promised my son that I’m gonna spend more time with him,” paliwanag ni Derek.
Paulit-ulit na sinabi ni Derek na mas mahalaga ngayon sa kanya na makasama ang 11 years old son kaya wala na siyang pakialam sa kanyang career at wala na rin siyang pakialam na linisin ang pangalan.
Ipinagtapat din ni Derek sa entertainment press na tatlong taon pa lamang ang nakalilipas mula nang malaman niya na nagbunga ang relasyon nila noon ni Mary Christine Jolly.
Nakilala niya ang anak noong 2011 at limang beses pa lamang silang nagkikita. At ang paghaharap daw nila sa Makati City Prosecutor’s Office noong nakaraang Huwebes, September 18, ang kanilang huling pagkikita.
Sinabi rin ni Derek sa entertainment press na kausap niya sa korte ng Makati City na hindi siya required na dumalo sa preliminary investigation ng kaso noong nakaraang Linggo pero pumunta siya dahil sa gusto niyang makita ang kanyang anak.
Gusto ni Derek na maayos na lang ang kaso alang-alang sa kanilang anak. Kung anong klaseng settlement ang gusto niya?
“I want to fight to be a father. I want a right to see my son. I definitely want to show there’s education. Because that’s for me, the best way to give back is to secure his future with a good education. That’s what my parents did to me. They’ve sent me to the school they could afford. I want to give him the best education. And trust fund, you know? Bakit kailangan sila ang may hawak ng pera kung talagang ang bata ang interest nila?”
Well, sa ayos at pananalita ni Derek na dati ay tahimik at nakikiusap pa sa press na huwag nang ungkatin ang personal niyang problem. Ngayon ay palaban na ito at lahat ng tanong ng press ay kanyang sinasagot dahil sa pagmamahal sa anak.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo