PAREHONG DESISYON daw ng TV5 hunk actor at lead actor sa aabangang once a week soap ng Kapatid Network ang “For Love or Money” na si Derek Ramsay ang hiwalayan nila ni Cristine Reyes .
Tsika nga nito na walang may kasalanan sa nangyari, walang masama sa kanilang dalawa ni Cristine at higit sa lahat walang naging mali sa kanilang pagsasama kaya sila naghiwalay.
At kahit nga hiwalay na sila ay nanatili pa rin ang kanilang friendship kaya naman daw okey pa rin silang dalawa na magkatrabaho kung saan nakatakda silang magkaroon ng 3 shows sa Hawaii na magkasama.
At kahit nga raw wala silang komunikasyon lately, dala na rin ng kanilang break-up, alam naman nitong ‘pag nagkita sila o nagkasama sila ni Cristine ay okey pa rin sila bilang magkaibigan na lang.
Patunay nga raw rito ang hindi nila ‘pag unfollow sa kani-kaniyang Twitter at Instagram na kalimitang nangyayari sa mag-dyowa na naghihiwalay na parehong ina-unfollow ang isa’t isa. Ang ibig sabihin lang daw nito ay magkaibigan pa rin silang dalawa.
MAGANDA ANG feedback sa pilot episode ng For Love or Money na ipinanood sa mga entertainment press sa presscon ng nasabing soap na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Alice Dixson at Ritz Azul na kitang-kita ang laki ng improvement sa acting.
At kahit nga walang boyfriend at wala pang asawa ay nagampanan nang buong husay ni Ritz ang role bilang maybahay ni Derek kung saan may bed scene silang dalawa. Kitang-kita ng mga kapatid sa panulat kung papano takpan ni Ritz ang kanyang mukha nang mapanood ang nasabing eksena.
Kaya naman nang matanong si Ritz tungkol dito ay mabilis niyang sinagot na okey lang daw siya sa ganu’ng eksena, pero hindi pa siya sanay na mapanood ang kanyang sarili na may bed scene.
Thankful nga siya at si Derek muli ang kanyang kapareha at naka-love scene dahil napaka gentleman daw nito at alagang-alaga siya sa kanilang maiinit na eksena. At kahit nga raw nasa edad 19 na siya, taas-noo si Ritz na sabihing isa siyang certified virgin at wala pang karanasan sa mga lalaki.
SA FRIDAY na Oct. 11 malalaman kung sino ang tatanghaling Top Hunks 2013 na hatid ng K5 Productions na magaganap sa P2 Comedy Bar, Yale St., Cubao, Quezon City, ng 11pm.
Dalampung kandidato ang pare-parehong nagtataglay ng magaganda at maaamong mukha at magagandang pangangatawan ang maglalaban-labang para tanghaling Top Hunks 2013 at mag-uuwi ng tumataginting na P15,000 cash prize.
Kaya naman manood na at sumugod sa P2 Comecy Bar sa Oct. 11 para malaman kung sino ang mananalo. Sa mga interesadong bumili ng tickets, ito’y nagkakahalaga lamang ng P300 pesos. At para sa ibang detalye at impormasyon, tumawag lamang sa numerong 09175764626 o kaya sa 09275520488.
John’s Point
by John Fontanilla