HINDI ITINATWA ng young star na si Derrick Monasterio na may natatanggap siyang indecent proposal.
Madalas daw mag-text sa kanya ang isang bading na nag-offer ng one night stand sa halagang P100K pero dinedma na lang daw niya ang bading.
Pero hindi raw siya tinantanan ng kate-text ng bading at itinataas pa raw sa halagang P150K ang offer at tulad ng dati ay dinedma. Hanggang sa magsawa na rin daw ang bading sa kate-text.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Derrick na si Barbie Forteza ang apple of the eyes niya ngayon.
Matagal na raw niyang napansin ang kakaibang charisma ni Barbie dahil may hawig ito sa kanyang ina na si Tina Monasterio. Hindi lang daw niya masabi sa ina na may crush siya kay Barbie dahil kahawig nga ng kanyang ina.
When asked kung magagawa ba niyang makipag-halikan sa kapwa actor, tulad ng role na ginampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriquez sa My Husband’s Lover?
Okey raw at payag siya basta si Kristoffer Martin na bestfriend niya at may bromance factor daw.
Hindi rin siya natatakot kung sakaling may gawin silang serye tulad ng role nina Dennis at Tom dahil sigurado raw sila na tunay na lalaki sila.
Eh, paano kung isang tunay na bakla ang makakaeksena niya sa isang pelikula or serye na may sizzling love scene na ginawa naman nina Jake Cuenca at Joem Bascon?
Napangiti si Derrick at sinabi na pag-iisipan pa raw niya at ipapaalam sa kanyang ina.
ISA SA sumisikat na teen actor ngayon ang alaga ni Direk Maryo J delos Reyes na si Ruru Madrid.
Sunod-sunod na project ang ginagawa niya ngayon, bukod sa Sunday All Stars kung saan kapartner niya si Julie Anne San Jose ay kasama rin siya sa bagong drama series ng GMA 7, ang Dormitoryo na magsisimula nang mapanood next week sa GMA 7 pagkatapos ng Sunday All Stars.
Pero ngayon pa lang ay iniintriga na raw si Ruru na nanggagamit para sumikat?
Katunayan ay nagalit daw ang fans ni Julie Anne San Jose kay Ruru dahil ginagamit daw nito ang kasikatan ng young singer para simikat?
Pinagdiinan ni Ruru na walang katotohanan na ginagamit niya si Julie Ann at kaibigan lang ang turingan nila.
Ganoon din ang paratang sa kanya ng fans naman ni Daniel Padilla na ginagamit din ang kanilang idolo na kamukha raw niya?
Nasasaktan daw siya sa mga paratang na nanggagamit. Pero laging payo sa kanya na dedmahin ang intriga dahil ganyan sa showbiz.
Ang gagawin na lang daw ni Ruru ay pagbutihan ang career at patunayan na may karapatan siya sa pinasok na career.
PAGKATAPOS NG Sineng Pambansang All Masters Edition na may 12 obrang maestra mula sa mga batikang director. sumunod agad ang Cine Filipino ng PLDT, Studio 8 at Unitel na may 8 bagong pelikula gawa naman ng most promising filmmakers sa bansa.
Ayon sa organizer ng Cine Filipino, nakatakda sana last June ng taon ang pagpapalabas ng walong pelikula pero kanilang iniurong para makakuha ng maraming sinehan at makaiwas sa malalaking foreign films na makakasabay sa sinehan.
Kahit walang SM Cinemas na pagpapalabasan ng kanilang walong piling-piling pelikula, mailalabas naman ito sa iba’t ibang malalaking mall tulad ng Trinoma, Glorietta, Eastwood at Robinson nang isang Linggo simula sa Sept, 18.
Ang walong pelikula ay Ang Kuwento ni Mabuti na pinagbibidahan ni Nora Aunor; Ang Puti na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Jasmine Curtis at Lauren Young; Bingoleras nina Eula Valdes, Mercedes Cabral at Maxx Eigenmann; Ang Turkey Man ay Pabo Rin na binubuo nina Tuesday Vargas, Julia Clarete, Cai Cortez, Travis Kraft at JM de Guzman;
Ang Mga Ala-ala ng Tag-ulan nina Mocha Uson, Mon Confiado at Akihiro Blanco; at Huling Cha Cha ni Anita na pinagbibidahan nina Angel Aquino, Marcus Madrigal, Teri Madrigal at Lui Manansala, atbp entries.
Nakalulungkot lang, hindi dumating ang mga major stars ng mga pelikula. Walang Nora, Angel, Julia, Eula, atbp. na dumating sa ginanap na launching ng nasabing festival.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo