SERYOSO ANG guwapong bagets na si Derrick Monasterio na pasukin ang paglilingkod-bayan pagdating ng panahon. Kaya nga nang makatapos siya sa high school at nag-decide na mag-aral sa kolehiyo, kursong pre-Law ang kanyang kinuha. First year college si Derrick ngayon sa San Beda College sa Mendiola.
Kaya nga tuwing dumarating siya papasok ng eskuwela o ‘di kaya’y pauwi galing school, saksi siya sa kaliwa’t kanang mga protesta sa makasaysayang Mendiola Bridge na halos katapat lang ng gate ng kanyang pinapasukan.
“I want to serve,” bungad niya sa amin nang usisain namin kung bakit pre-Law ang course niya. “I want to be a lawyer. This is just a start,” sabi ng binata sa amin na after ng kanyang afternoon serye sa GMA Kapuso Network, habang naghihintay for his next project, he decided to take up college.
Habang hindi busy sa paggawa ng teleserye, nag-attempt ang guwapong si Derrick na gumawa ng indie film. Yes, isang indie film na dapat abangan ng marami dahil sa kauna-unahang pagkakataon, maghihinayang ang mga girls, lalo na ang mga bekis na niya ipo-flaunt ang kanyang kaseksihan, the fact na siya ang itinuturing na isa sa pinaka-sexy male hunk natin sa kasalukuyan.
Akala ko nga, isang sexy indie film ang Babaylan (Silip sa Nakaraan) na pinu-promote ngayon ng binata. Akala ko, ibabandera ni Derrick ang kanyang mga abs at muscles lalo pa’t siya yata ang tinaguriang “Bagong Male Sex Symbol”.
Natawa lang si Derrick. “It’s an educational film about the “babaylan” or healer from the hinterlands of Iloilo in the Visayas,” kuwento niya. “Going sexy in a film will come in time but not now,” nanunukso niyang sagot .
Sa katunayan, very supportive ang mommy niya na dating artista na si Tina Monasterio na plano ring magbalik-showbiz.
Kuwento nga pala ni Derrick, sa first day of school niya sa San Beda, pinagkaguluhan siya ng mga sudents. “May mga nagpa-selfie sa akin. Nakakatuwa nga, e. Pero noong first day lang ‘yun. Pero now, nasanay na sila, kaya okey na.”
Sa indie film na Babaylan, he plays the role of a student researcher. “Hope when the film comes out in January 2016 marami sanang mga students na manood tulad ng naging interest nila sa film ni Heneral Luna,” aabi ng binata.
Reyted K
By RK VillaCorta