DERRT: Sagip Delubyo sa Pinas

1 DERRT 2 DERRT 3 DERRT 4 DERRT 5 DERRT 6 DERRT 7 DERRTNAKAKARANAS ANG Pilipinas ng mahigit na dalawampu’t-limang bagyo kada taon. Nitong nakaraang taon 2013, bukod sa inaasahang bagyo, dalawang delubyo na dala ng kalikasan ang pumatay sa higit sa 10,000 katao.

PAGBABALIK-TANAW

 

ANG LINDOL sa probinsya ng Bohol at ang super-typhoon na Yolanda na hangang sa ngayon ay ramdam pa rin ang kanilang mga naging epekto sa kabuhayan, imprakstraktura at ari-arian ng mga kababayan natin ay isang tanda ng malawakang dulot nito sa mga hindi handa. Sa nakaraang dekada, milyong-milyong Pilipino ang na-apketuhan ng kalamidad na sanhi ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at ang mga kadikit na epekto nito tulad ng pagbabaha, tsunami at pagguho ng lupa. Ang 7,000 isla at mahigit na 36,000 kilometrong baybayin ng Pilipinas kasama ang likas na kinalalagyan nito sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” ay nagdudulot na maging mahina at madaling tamaan ang Pilipinas sa anumang delubyo na dala ng kalikasan at ng pandaigdigang pagbabago ng klima. Kontribusyon rin dito ang patuloy na pag-taas ng populasyon, pag-kasira ng natural na kapaligiran at urbanisasyon.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng World Bank noon 2008, lumalabas na mahigit sa 50.3 porsiyento ng buong kapuluan at 81.3 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay may kahinaan laban sa anumang kalamidad o delubyo. Sinang-ayunan naman ito sa ulat ng United Nations World Risk 2012 kung saan pumangatlo ang Pilipinas sa pinaka-“vulnerable” na bansa laban sa anumang kalamidad.

Sa tala ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), may 207 na makabuluhan at nakakapinsalang kalamidad sa Pilipinas mag-mula 2000-2012. Ang karamihan sa mga ito ay bagyo at baha. Ang hindi pagiging handa sa anumang kalamidad o delubyo ay nag-reresulta sa pagkawala ng ari-arian, buhay at kabuhayan. Ang iba’t ibang uri ng sakit at pagkabuwag sa serbisyo ng bayan na kadalasang epekto rin ng kalamidad ay nag-aambag sa matagalang pag-balik ng mamamayan at bayan sa normal.

DERRT

 

NABUO ANG DERRT– Disaster Emergency Response and Relief Team ilang buwan makaraan ang nakabibiglang pagwasak ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, partikular sa lugar ng Tacloban at karatig bayan. Bunsod nito nagsama-sama ang isang grupo ng mga Pilipino sa Inglatera bilang pag-hahanda sa kalamidad at delubyong maaaring tumama sa Pilipinas at sa mga karatig bansa anumang oras at bilang sagot sa pagkayamot ng taong bayan at ng pandaigdigang kumunidad sa mabagal at sirang pamamaraan ng pag-tugon sa kalamidad ng mga nasa posisyon sa gobyerno.

Rehistrado bilang lehitimong organisasyon sa Inglatera at sa Pilipinas, ang DERRT ay isang grupo na hindi kaakibat sa gobyerno. Isa itong organisasyon na hindi-pangkalakal at ang layunin ay ang pakiki-pagkawanggawa. Pangunahing layunin ng DERRT ay ang tulungang ihanda ang taong-bayan sa anumang kalamidad at delubyo na maaaring mangyari anumang oras. Nag-bibigay ang DERRT ng iba’t ibang uri ng pagsasanay, pag-aaral at edukasyon ukol sa kalamidad at delubyo sa mga nagnanais maging handa. Ang DERRT ay may karampatang sangay na rin sa Kuwait, Saudi Arabia, Oman, Qatar at Pilipinas. Ang bawat rehiyon at siyudad sa Pilipinas ay may itinatayong pangkat ng DERRT na magiging espesyalista sa mga bagay na may kinalaman sa kalamidad. Isa rin sa layunin ng DERRT ay ang paghandaan ang iba’t ibang panaklolo at tulong na maaring ibigay ng “international community” sa Pilipinas sa oras ng kalamidad gamit ang kasalukuyang istruktura ng DERRT sa pagtulong at tugon. Nakapaloob sa DERRT ang mga katagang “SERVE, SAVE, SUSTAIN”.

Kamakailan, beinte-syete na katao ang nagtapos sa tatlong araw na masinsinang pagsasanay at pag-aaral na ginanap sa Antipolo, Rizal. Binubuo ito ng mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang rehiyon ng DERRT at mga miyembro ng iba’t ibang grupo na sangkot sa “search and rescue.” Kasama ng mga nagsitapos sa pagsasanay na ito ay ang naunang labing-pitong miyembro na nag-sanay sa iba’t ibang uri ng kakayahan sa larangan ng “search and rescue” at “emergency responder” na ginanap ng mahigit tatlong linggo noong nakarang Abril.

Inaasahan na sa mga darating na panahon ay unti-unting dumami ang mga susuporta sa adhikain ng DERRT na pag-handaan ang anumang kalamidad o malaking kapahamakan na maaring dumating sa atin sa pamamagitan ng tamang paghahanda. Ating hikayatin ang ating mga pamilya at mga kaibigan na maging handa at supportahan ang iba’t ibang proyekto ng DERRT dito sa sa Inglatera, sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Para sa karagdagang kaalaman, o sa mga nais magparating ng tulong o maging sa mga nais na maging “volunteer” ng grupo sa UK man o sa Pilipinas, bistahin ang DERRT sa website www.derrt.net o mag email sa [email protected].

By Michael Duque

Previous articlePhilippine Theatre UK
Next articlePasko na naman!

No posts to display