MAPAPANOOD NA sa Netflix ang Philippine adaptation ng 2016 hit KDrama na ‘Descendants of the Sun‘ na ngayo’y pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
Swak na swak ito para sa mga taong gustong mapanood mula umpisa ang serye, na na-miss ang initial episodes nito na in-ere sa GMA-7. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang ongoing series ng GMA-7 na agad na mapapanood sa pinakasikat na video streaming platform. Maging ang original version nito na pinagbibidahan ng dating mag-asawang sina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo ay available rin dito. Puwedeng-puwede panoorin muna ang original version at i-compare sa Pinoy adaptation.
Fresh episodes na ang mapapanood ngayon sa GMA-7. Natapos na ng cast and crew ang kanilang lock-in taping noong nakaraang Setyembre. Nang silipin namin sa Netflix, hanggang Disyembre pa mapapanood ang pagbuo at pagtatapos ng DOTS nina Dingdong at Jennylyn Mercado.
Ang ‘Descendants of the Sun’ ay kuwento ng pag-ibig sa pagitan nina Captain Lucas Manalo (Dingdong Dantes) a.k.a. Big Boss at Dr. Maxine dela Cruz (Jennylyn Mercado) a.k.a. Beauty. Dalawang tao na may demanding jobs bilang sundalo at doktor, paano ba nila maitatawid ang kanilang love story?
Maliban sa dalawang bida ay inaabangan din ang love story sa pagitan ng seconds leads na sina Technical Sergeant Diego Ramos (Rocco Nacino) at Captain Moira Defensor (Jasmine Curtis-Smith). In fairness, nagkaroon ‘ata ng ‘second lead syndrome’ ang mga manonood ng show dahil sa effective portrayal ng dalawa, huh!
Kahit hindi pa natatapos ang airing ng ‘Descendants of the Sun’ ay nabiyayaan na ito ng ilang parangal. Ito ang kauna-unahang Philippine TV program na nakatanggap ng Most Popular Foreign Drama of the Year award mula sa 15th Seoul International Drama Awards. Si Dingdong Dantes naman ay binigyan ng Asian Star Prize sa nasabing award-giving body.
Kung trip niyo nang mag-immerse o mas bet niyo lang talaga na manood sa Netflix kumpara sa daily airing nito sa GMA-7, ano pa ang hinihintay niyo?! Marathon na!