Designer demands Duty Free employee to kneel

HINDI SINAGOT NI Marvin Agustin ang tanong namin kung how much is he worth now sa dami ng negosyo at pagkakaroon ng maraming shows? Nagbiro ito kung taga-BIR ba kami at interesado kami sa kanyang kayamanan?

“Sabihin na lang nating I’m okay, I’m comfortable and I’m very happy that my family is happy. ‘Wag na tayong mag-detalye, ayaw ng BIR, pero nagbabayad ako ng tamang taxes, ha! Basta, ‘wag na lang nating pag-usapan ang tungkol doon,” pakiusap ni Marvin.
Nadagdagan ang kikitain ni Marvin dahil isa siya sa mga bida ng SRO Cinemaserye ng GMA-7 na magpa-pilot sa March 25, after Fated To Love You. Ang hindi naiwasang sagutin ng actor ay ang naging isyu sa kanila ni Annabelle Rama at ang sinabi nitong favorite siya ni Wilma Galvante, kaya marami siyang shows sa Ch. 7.

Nirerespeto raw niya si Annabelle at naiintindihan niya ang mga action nito, pero itinangging favorite siya kaya maraming project.

Ginagawa lang daw niya ang kanyang trabaho at walang kabakel-bakel na sinabing “Hindi ako na-offend sa mga sinabi niya dahil alam kong magaling akong actor.”

Sa pahayag niyang magaling siyang actor, wala pang reaction si Annabelle at looking forward kami sa magiging sagot niya dahil tiyak na maigting at ka-react-react.

KINOKONDENA NG MGA nakabalita at nakapanood sa Youtube ang ginawa ng isang bading na designer sa isang cashier ng Duty Free Shop na pinaluhod sa harap niya at sa maraming tao dahil lang hiningan siya ng ibang ID bilang suporta sa credit card na ginamit pambili sa DFS.

Nainsulto ang gay designer nang hingan ng ID, nagwala at nagsisigaw at ‘di raw ba siya kilala ng cashier? Kahit humarap na ang store manager at nagpaliwanag, hindi pa rin napayapa sa pagpa-power trip ang designer at titigil lang daw siya ‘pag lumuhod sa harap niya ang pobreng cashier para humingi ng tawad at masampal niya.

Para matapos na lang ang ang pag-eeskandalo, lumuhod ang umiiyak ng cashier at humingi ng tawad kahit wala siyang kasalanan at mabuti’t hindi itinuloy ng designer ang bantang sasampalin ang cashier. Tiyak na hindi alam ng designer na nakunan ng CCTV camera ang kanyang ginawa at naka-post na sa Youtube, kung saan marami ang galit sa kanya. Tinawag siyang matapobre, mapang-api, mayabang at iba pang negative adjectives.

Bilang ganti sa pobreng cashier, nananawagan ang nakikisimpatiya rito na i-boycott ang mga designed clothes ng designer na ibinebenta sa malls ng mga Gokongwei. ‘Pag bumaba ang sales ng kanyang likhang mga damit, ‘wag na siyang magtaka’t kasalanan din niya. May mga nang-ookray sa mga gawa nitong damit at puro padding daw. Hahaha!

by Nitz Miralles

Parazzi Staff Supplement:
Nakalap ng Parazzi Staff ang nasabing video kung saan inokray ng fashion designer na bading ang isang cashier sa Duty Free. Makikita sa video na pinaluhod niya ang empleyado ng Duty Free at nag-iiyak ito matapos ang insidente.

Previous articleToni Gonzaga and Eric Santos tour Canada
Next articleAnne Curtis’ The Wedding starts taping

No posts to display