Desire del Valle, dating after break-up with Vhong

TOTOO, SPLIT NA nga sina Vhong Navarro at Desiree del Valle. Maayos ang kanilang paghihiwalay two months ago. Nasa “recovery stage” ang puso ni Vhong habang dinig namin, itong si Des eh, naka-move on na, dahil nakikipag-date na sa iba.

Hindi masabi sa amin ni Vhong ang dahilan, basta maayos daw ang kanilang paghihiwalay.

“Trabaho muna nang trabaho, pare!” Sey ni Vhong.

Ano nga kaya ang dahilan?

OY, HA? TRUE ito, ha? Sa pagdaraan ng panahon, si Manny Pacquiao, gumuguwapo sa paningin ng mga bading.  Lumalakas ang appeal at parang iniilusyon na siya ng mga kabadingan na “maikama” sa isang gabi.

‘Eto nga ang naitanong namin kay Manny. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Manny nang marinig ang tanong na, “Manny, ano’ng masasabi mo, gumuguwapo ka at lalong lumalakas ang appeal mo sa mga bading. Parang gusto ka nilang hadahin!”

“Hehehe. Malapit naman talaga ako sa mga bading, eh!”

Sayang at umalis na si Manny. Itatanong sana namin kung nu’ng hindi pa siya sikat eh, nagkaroon na ba siya ng gay experience?

Juice ko, hindi namin maimadyin, ang sikat na sikat na si Manny, tinanatanong namin kung me gay experience na? Ano kaya’ng isasagot ni Manny?

“Seykrit!”?

CURIOUS LANG KAMI. Hindi namin alam kung kanino itatanong itong bumabagabag sa aming kalooban. Si Gregorio F. Zaide kaya, ‘yung may-akda ng Philippine History? Kasi nga, parang nadagdagan ang mga pambansang something, eh.

Pambansang bulaklak – sampaguita. Sa dahon naman, anahaw, ‘di ba?  Pambansang Bayani si Gat. Jose Rizal. Narra naman ang pambansang puno. Pambansang sayaw, ewan kung from Tinikling eh, pinalitan na nga ba ito ng Carinosa, dahil natapos kami ng hayskul, nagtatalo pa kaming magkakaklase.

Ang pambansang prutas naman ay mangga; samantalang ang pambansang hayop ay kalabaw. Ang pambansang bahay ay kubo; pambansang laro ay sipa; pambansang damit ay barong at saya; pambansang ibon ay agila.

Maisasali ba sa mga pambansang ‘yan ang kamao na ang sagot ay “Manny Pacquiao”?

SURE NA! TATAKBO na nga si Manny Pacquiao bilang congressman sa Saranggani Province. Tama naman ang katuwiran ni Manny, “Kung tulong ako nang tulong sa tao, baka maubusan ako. Pa’no naman ang pamilya ko?”

Oo nga naman. Kaya nga gustong maging ehemplo ni Manny sa ibang corrupt officials na ibinubulsa lamang ang pondo para sa bayan, “Pero ako, gusto ko, ako ang magsimula na kung ano ang para sa mga tao, ibibigay ko lahat sa kanila.”

Tila hindi na maaawat ng mga “concerned” at nagmamahal kay Manny ang kanilang idolo sa pagtakbo. Siguro nga’y hindi na natsa-challenge si Manny sa larangan ng boxing.

Meron siyang gustong patunayan na kung kaya ng mga Inglesero at mga me alam sa batas ang maging pulitiko, kaya rin niya.

Kaya hayaan na natin si Manny. Sabi naman niya, “Natuto na ‘ko sa nakaraang pagkatalo ko, kaya hindi na mangyayari ngayon ‘yon.”

Me gano’ng factor si Manny.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa aming radio program sa dwiz 882 sa inyong AM station, ang “Wow! Ang Showbiiiz!” at mapapakinggan din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Puwede rin kayong mag-text sa amin. Just type OGIE ON at i-send sa 2366.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDavid Cook and David Archuleta want to go back to the Philippines
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #65

No posts to display