NAKATANGGAP KAMI NG balitang ikinasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Talagang tinapos lang ni Ryan ang taping ng teleserye niyang Pieta last april 17 para naman hindi siya ngarag on his wedding day.
Para kumpiramhin kung totoo ngang ikinasal na sina Judai at Ryan, agad na itineks namin ang butihing ina ni Judai na si Mommy Carol. Nag-text back naman agad si Mommy Carol at kumpirmadong ikinasal na ang kanyang bunso kay Ryan at 6:45am, Lunes, Apirl 28.
Sa presscon ng Best Friends Forever (BFF) a day before the wedding, natanong din si Megastar Sharon Cuneta about Judai’s wedding. Knows naman ng lahat na very close si Sharon kay Judai and in fact, si Sharon ang naging matron of honor.
Incidentally, 13th wedding anniversary rin nina Sharon at Kiko Pangilinan last Arpil 28. April 28 din ang wedding ng ex-boyfriend ni Mega na si Richard Gomez sa misis niyang si Lucy Torres. And this year ang kanilang ika-11 taon. Posible rin na si Mega ang nag-suggest ng wedding date ng dalawa para nga naman sabay na rin sila ng wedding anniversary.
Sa presscon ulit ng BFF, nauna nang nagpasabi si Sharon na kailangan niyang umalis nang maaga dahil sa sorpresang hinanda ng mister niya for the anniversary. ‘Yun pala, kailangan ding maghanda ni Sharon for Judai’s wedding na ginanap sa Batangas, ang hometown ng mommy ni Ryan.
Anyway, nakausap namin ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer habang naghihintay ng boat papunta sa Anilao kung saan ginanap ang evening reception.
Ayon kay Noel, ginanap sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan, Batangas ang kasal at naging officiating priest si Father Tito Caluag kung saan ini-reincarnate ang wedding ng parents ni Ryan. Kaya raw naging kakaiba ang wedding nina Judai at Ryan dahil talagang ipinatern ang kasal sa parents ng alaga ni Noel.
Sina Mon Isberto ng Smart Communications, Bien Bautista na isang photographer, Benjie Gonzales na uncle ni Ryan from the US, Susie Entrata-Abrera, Rory Quintos na nag-direk ng kauna-unahang teleserye nina Judai at Ryan na Krystala kung saan sila nagkaligawan, at Jane Buencamino, road manager ni Juday, ang naging sponsors.
Ang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncilo ang Best Man. Little Bride naman ang tawag nila kay Yohan instead of flower girl. Kumanta si Agot Isidro ng wedding song, “Runaway,” Regine Velasquez and Ogie Alcasid sang “The Prayer” during The Offertory, Agot and Ogie ng “One Hand, One Heart” during the Communion.
After the wedding, nag-breakfast ang bagong kasal at lahat ng bisita which includes ABS-CBN bosses headed by Gabby Lopez, Charo Santos-Concio and Cory Vidanes sa San Juan. By noon, isa-isa na silang lumipat sa Anilao.
Super-cry raw si Judai sa wedding at ang baby niya na si Yohan na siyang naghatid sa altar.
Both Judai’s and Ryan’s mothers ay nasa left side daw at yung mga tatay ang nasa right side. Later na lang nakapag-decide sina Judai at Ryan na magkaroon ng TV coverage ang kanilang wedding. Ito’y para naman mai-share sa kanilang mga fans na exclusive na mapapanood sa ABS-CBN.
Hindi naman daw sa ipinagdadamot nina Juday at Ryan ang kanilang wedding sa fans, gusto lang daw nila na maging solemn at maayos ang wedding which happened naman and everything went into places, ayon pa kay Noel.
Ipapalabas ang exclusive coverage ng wedding nina Ryan at Juday on the third week sa ABS-CBN.
At may post celebration pa ang mag-asawa para naman sa mga kaibigan nilang Manila-based and friends from the media.
by Julie Bonifacio