LIVING AN independent life na raw ngayon ang young actor na si Diego Loyzaga. Ito ang kuwento niya sa amin last August 30 sa Bellissimo Ristorante, ang restaurant na pag-aari ng amang si Cesar Montano. Namataan din namin si Cesar na naghandog ng ilang awitin sa private birthday party ng isang kaibigan.
Pauwi na si Diego nang magpaunlak ito ng panayam. Inusisa muna namin siya kung bakit matapos ang Hitman movie noon ay hindi na siya naging visible masyado sa showbiz.
Aniya, “After noong movie, nag MMK (Maaalala Mo Kaya) ako at Wansapanatym. Hindi naman lay low, nag-aral po ako nu’n eh. Tapos nag-Australia ako, so sadyang hindi lang talaga ako nakita in a public way noon. Still the same, para sa akin wala namang nagbago.”
“Recently, nag-move out, so mag-isa na lang ako, nagta-try ako ng independent life, normal naman po sa amin sa Australia na ‘pag eighteen na ang lalaki, umaalis sa bahay. So at least nagawa ko pa rin siya, ‘yung custom na ‘yun kahit na nasa Pilipinas ako, nakuha ko pa rin kasi I grew up in Australia.”
Pangalawang buwan pa lang daw niya na mamuhay mag-isa pero pinipilit daw niyang mag-adjust. “This is my second month pa lang at pumapayat na po ako sa sobrang ano, eh…nakakatamad na pong magluto, wala po akong househelp, ako lang, ako ang naglalaba, I drive my own car and I don’t like the help. But in some ways needed naman, pero mas gusto ko ‘yung ganito. Iba kasi ‘pag lalaki nang ganito.”
Hindi ba siya natatako, like sa kanyang security dahil wala siyang kasama. “Ah, hindi. Hindi. Nasa Diyos naman ‘yun eh. I mean if you’re a religious person, dapat hindi ka naman ganu’n, hindi ka naman mag-isip nang ganu’n. Ako ah, financially, du’n ako natatakot. Kasi siyempre hindi naman normal sa bata na ganito ang edad na mag-manage ng finances niya, ‘di ba? It suppose to be your parents teach you that or you learn that in school. Pero ako, ngayon du’n ako may problema sa finances.”
Kaya raw malaki ang pasamat niya na paunti-unti ay may mga ginagawa raw siyang trabaho. Natutuwa raw siyang unti-unti na niyang nakakayanan ang tumayo sa sariling mga paa. “Oo naman, paunti-unti, I’m learning, may natutunan din ako. ‘Pag nagkaroon ng problema, I’ll ask my mom and dad. Tapos binibigyan ako ng advise. I don’t like being help all the way. Parang tuturuan lang ako na ‘yun ang tama, o kaya ay nagkamali ka na, ito ‘yung tama. Gusto ko mas ganyan imbes na ito ‘yung tama, it’s too easy eh, for me it’s not really… hindi ka nabubuhay nang ganyan eh. Kung lahat binibigay lang sa ‘yo, anong ipagmamayabang mo, may kotse ka ngang maganda, hindi mo naman pinaghihirapan, ‘di ba? Gusto ko naman maiba na, I know I live in the Philippines pero I want to live how I grew up in Australia.”
Sa ngayon, hindi muna nag-aral si Diego dahil daw pinag-iipunan pa niya ang pang-tuition, pero gusto raw talaga niyang mag-aral nang tuluy-tuloy. “Oo, right now, alam mo lahat ng mga kaibigan ko galing high school, sabi “O, Diego hindi ka na nag-aaral. Ano ba ‘yan?” Aba, bayaran mo tuition ko, mag-aral ako. Gustung-gusto ko. Pumasa akong La Salle, pumasa akong CSB (College of Saint Benilde), I got the course that I wanted. Nag-Australia ako, wala akong choice e, I have to… I work to pay my rent, sakripisyo ko ‘yan, lahat ng pawis ko, napunta diyan.”
Pero paano kaya niya binalak na muling mag-aral? “Pinaplano ko pa rin siya, I don’t want home study eh. Gusto kong mag-UP. I’m just trying a way to manage kasi right now hindi pa ako sanay. ‘Pag gising ko sa umaga, kung hindi ako babangon, wala ring magpupursige sa aking bumangon. Walang magsasabing, ‘Uy, Diego gumising ka na’. Walang ganu’n eh. Minsan ‘pag hindi ko pakialaman ‘yung cellphone ko, ‘pag (nag) text ang trabaho, kung hindi ko pansinin, wala nang nagpapaalala sa akin eh. Kaya I’m trying to find the time to manage. Ang ginagawa ko ngayon, ‘yung trabaho, and living by myself.”
Willing naman daw ang ama niyang tulungan siya kaso mas gusto raw talaga niyang tumayo sa sariling mga paa. “If I want, pero si Dad naman lagi siyang may salitang, ‘Diego lumaki akong Sta. Ana, ‘di ba?’ Ako lumaki akong Australia, kahit ibang parte ng mundo, in a way ‘yung pagka-independent namin ng tatay ko magkapareho, kaya du’n kami nagkakaintindihan.”
Pagdating naman sa TV projects, may gagawin naman daw siyang teleserye na malapit nang magsimulang mag-taping. “May bago kaming teleserye na palabas pa lang, kasama ko du’n si Julia Barretto tsaka si Kiko Estrada. Hindi pa nagsisimula ang taping, pero the planning and everything, on going.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato