BLIND ITEM: Dismayado raw ang isang talent manager sa kanyang alagang aktor, not on the professional level, but in terms of his rumoured liaison with a top gay executive ng isang TV station na pinaglilingkuran nito.
For purposes of identification, let’s assign fruits to their names: “Lemon” for the manager, “Pomelo” for the actor, “Durian” for the gay boss.
So, is this itsy-bitsy of news telling us na may “pagnanasa” si Lemon kay Pomelo, pero ang nagwagi ay si Durian? Another question, hindi ba’t may anak na si Pomelo sa aktres na si “Laguna Jackfruit,” hindi ba aware ang hitad sa nangyayari sa dyowa niya?
So, what’s Lemon’s next step, ang hintaying mag-expire ang kontrata ni Pomelo sa network para ilipat niya sa kabila? Eh, hindi ba’t nilayasan na ni Pomelo ang pinagmulang istasyon, unless sasanib ito sa “Kapatiran”?
KUNG IPINAGBABANDUHAN ni Mara Lopez Yokohama (anak ni Maria Isabel) na isa siyang La Sallista as an affront against her nemesis Ellen Adarna, who says there is no “Assumptionista”?
Pasintabi lang muna sa mga enrolees at alumnae ng reputable college na ito, hindi po literal na ang mga mag-aaral nito ang paglalarawan ng Eat Bulaga kay Niña Jose.
A quick refresher on English grammar, the word “assumption” comes from the verb “assume,” which based on the dictionary also assumes various meanings.
Kung bakit “Assumptionista”ang bansag ng EB kay Niña has a lot to do with her assumptions about involving herself in the Vic Sotto-Pauleen Luna issue. Ina-assume kasi ni Niña na may gusto sa kanya si Bossing, na nagpapalipad-hangin ito sa kanya and a lot more “assumptive” declarations, hence, her monicker.
Sa isang banda, mukha namang sa iisang paaralan lang nagmula sina Mara Lopez at Niña Jose… from “NCBA”. From the National College of Business Administration sa R. Papa St., Lerma, Manila?
Hindi, but rather from the “Nameless Celebrities & Bullies Academy”!
FACE TO Face returns to its original morning time slot, nagsimula ito nitong Lunes to capture more households lalung-lalo na ang mga misis who can easily relate to family issues. Tulad na lang ng kuwento nga-yong Biyernes na pinamagatang Mister Na Pumapasada, Naligaw Ng Ruta Dahil Kay Number Two Ruma-ratsada.
Taped in Barangay West Bajac-Bajac in Olongapo City, himutok ni Rosette na beinte pesos lang daw ang inientrega ni Ramil sa kanya gayong lima ang kanilang anak, samantalang P200 naman ang ganansiya ng kabit nitong si Abigail.
Hindi lang pala si Abigail ang kachorvahan ni Ramil, dahil ang minsang nakiangkas ditong si Amy ay dyowa rin ng hitod. Pero ang da height, “Hon” (short for honey) ang tawag ni Ramil sa tatlong girlalu.
Ang (ibabang) ulo ni Ramil sa Ulo ng Gapo… bow!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III