NAKAKAPAGTAKA LANG KUNG bakit sa pagpapalit ng SOP (nagtapos kahapon) at gawing Party Pilipinas (magsisimula sa March 21), eh, retained pa rin ang apat na main hosts.
Nothing against Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jaya, and Janno Gibbs, pero feedback nga ng non-showbiz friends namin na valid naman ang comments, kung babaguhin ang show, bakit kailangang retained din ang same main hosts?
“Tinanggal ang SOP pero bakit sa new show, same hosts pa rin?” Chika ni John Leano na friend namin at isa ring professional photographer. May point ang aming kaibigan, pero siguro nga, may dahilan din ang GMA management to retain the four hosts.
“Matanda na si Jaya and si Janno Gibbs naman, parang wala lang, wala namang nagagawa for the show,” say naman ng non-showbiz pal naming si Julius Uy pero isa ring showbiz observer.
For us, good na i-retain din sina JayR and Kyla dahil mga singers naman talaga sila. Pero sana, ma-train din as hosts sina Bianca King, Heart Evangelista, Rhian Ramos dahil may name recall na sila’t nakapag-e-English din sila, not necessarily na magaling silang singers.
Kung may medyo “matured” na ring singers sa ASAP like sina Zsa Zsa Padilla and Gary Valenciano, puwede pa ring mag-stay sina Ogie and Regine to give credibility sa show’s hosts. Mapabalik din kaya sina Dingdong Dantes and Dennis Trillo na malalaking names na among male Kapuso stars?
Sa ASAP nga, ang dami-dami nilang Kapamilya stars na hosts – ‘yung present generation – pero dahil matindi ang creative department ng show, nagagawa nilang paghati-hatiin ang exposures nila. Puwede rin naman sigurong gawin ito ng Siyete?
Well, tila sa pagpasok ng Party Pilipinas, eh, nakatakdang “bawiin” ng show ang kanilang pagiging number one Sunday variety show na nasa six years rin yatang nangyari sa kanila – at matalo ang ASAP, not until late last year nang nag-reformat ang SOP at tuluyang pinataob ng ASAP!
DRAKA QUEEN ang title ng weekly drama anthology of Claudine Barretto sa GMA, at mapapanood ito tuwing Linggo after Mel and Joey.
Nakatutok ang lahat ng mga mata sa first show ni Claudine as Kapuso pagkatapos niyang mag-ober da bakod sa Siyete, from her fruitful 18 years sa ABS-CBN.
Malaking bagay na matino ang drama staff ng Drama Queen, dahil si Clau naman ang kanilang bida, and she’s worth naman the best staff na maibibigay ng GMA sa kanya lalo na ang creative department.
Kung sa ABS-CBN, naka-sampung taon (o mahigit) ang Maricel Drama Special ni Maricel Soriano at naging matagumpay ito sa mahigit isang dekada, sana’y ganon din ang tahaking TV career ni Claudine sa GMA, dahil sa drama naman talaga siya mahusay, no!
We hope to watch Claudine in wonderful materials sa kanyang first GMA show, mula scriptwriters to directors na hahawak sa kanya. To prove din na ang paglipat niya ay tamang desisyon.
SO, NAG-RESIGN DAW si Alex Gonzaga sa Juicy dahil kung sa pagsisimula nito sa ere, eh, host siya, ngayong magre-reformat ang show at papasok as host si Cristy Fermin, gagawin siyang field reporter na lang. Hindi konkreto ang chikang ito, pero malamang na may bahid ito ng katotohanan na nasaktan ang “ego” ni Alex na dati siyang host, pero gagawing field reporter?
Kung ang ibang stars ay naglilipatan sa TV5, si Alex, naging mas dignified ang kanyang pag-exit sa Juicy dahil nag-resign siya. Pero sana naman ay sa show lang siya nag-resign at bigyan pa siya ng TV5 ng new show, puwedeng ibang genre, pero nahasa na rin siya as host, hindi ba?
Ang latest, co-host na rin daw ni IC Mendoza si Cristy sa Juicy? Well, mas exciting for us ang new Sunday showbiz talk show ni Cristy dahil katapat nito ang The Buzz at Showbiz Central. Magkakaalaman na kung sino ang magaling!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro