DALAWANG BUWAN na pong walang trabaho ang mister ko sa Riyadh. Kasama ang lima pa niyang kasamahan, na-lay off po sila sa trabaho nang walang dahilan. Kaya’t napilitan silang magsama ng kaso. Pero sabi po ng mga kasamahan nila ay tatagal pa raw ang kasong isinampa nila laban sa kanilang employer. Gusto na po sana nilang umuwi kaya lang eh, interesado po silang ituloy ang kaso laban sa employer dahil naniniwala silang may laban sila. Gusto ko na rin po sanang umuwi sila. Ano po ang maipapayo nyo sa amin? — Hilda ng Naga City
TOTOO NA talagang tatagal ang ganyang kasuhan. At posibleng mangyari na mainip ang mister mo sa tagal ng kaso. Samantala, nandu’n siya at walang pinagkakakitaan.
Ang mabuti niyan ay payuhan mo na siyang umuwi at dito na lang ituloy ang kaso sa Pilipinas. Maaari niya itong isampa sa National Labor Relations Commission. Hindi naman kailangan g employer mismo ang kasuhan. Maaari n’yong kasuhan ang agency rito na nagpaalis sa kanya.
Sa ilalim ng ating batas, kung hindi mahabol ang employer ay maaaring habulin ang ahensya. Ang tawag diyan ay “solidary liability”.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo