MASAYA ang princess of Superb Voice na si Natsumi Saito dahil sa sunud-sunod ang guestings niya. Recently, nakapag-guest siya sa “Luv Me Tonight” na ginawa sa Zirkoh, Morato with Ryan Tamondong na talaga namang agaw-eksena ang kanilang duet number nang gabing ‘yun. In short, isa sila sa nagbigay-buhay ng nasabing show. Sinundan naman ito ng guesting niya sa “Voices from the Heart” na ginanap sa Rizal Park Open Air Auditorium last week.
Si Natsumi ay isa nang recording artist under Star Music Records sa pangangalaga ng kanyang butihing manager, vocal coach, at album producer na si Joel Mendoza.
Produkto si Natsumi “The Voice of the Philippines” season 1 sa Team Bamboo. Bagama’t hindi pinalad na makapasok sa final round, hindi siya tumigil sa kanyang pangarap na maging isang ganap na singer. Sa ngayon, unti-unti na itong natutupad.
Ayon kay Natsumi, hindi na niya palalampasin ang ganitong klaseng pagkakataon na mabigyan ng magandang break. Siyempre, suportado naman siya ng kanya ina na isang OFW sa Japan na naging inspirasyon ni Natsumi para mas lalong magsikap na makamit ang kanyang pangarap na mabigyan ng puwang sa larang ng music industry.
Well, may karapatan naman talaga siya kung sa iba lang na pinabili lang ng suka ay naging recording artist na. Hahaha!
By the way, ang first album ng ating superb voice (Natsumi) ay tribute niya para sa kanyang ina na palagi siyang sinusuportahan para sa kanyang karir, kahit na alam niya na malaki na ang sacrifice ng kanyang ina in working abroad.
Samantala, paboritong singer ni Natsumi sa ating local singers ay sina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Kyla, at Morissette. Pagdating naman sa international singers ay sina Celine Dion, Christina Aguilera, at Whitney Houston.
Ilan sa mga awitin ni Natsumi sa kanyang album ang “Para Lang Sa ‘Yo”, “Nanaginip Ba Nang Gising”, “Hero In My Heart”, “It’s Never Easy”, “Hard To Get”, at “Ikaw Lang Talaga”. ‘Yun nah!