NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Reklamo ko lang po ang elementary school dito sa Brgy. Hubo, Magallanes, Sorsogon. Simula po noong bagyong Yolanda pa po ito nasira pero hanggang ngayon ay hindi pa naaayos. Hindi po binibigyang-pansin ng mga opisyales kasi kakaunti lang naman daw ang nag-aaral.
- Gusto ko lang po sanang ireklamo iyong kalsada namin sa Tierra Monte, Silangan sa San Mateo, Rizal na palagi na lang pong basa dahil sa baradong kanal. Para po kasing pusali na ‘yon at wala rin yatang pakialam ang baranggay chairman dahil hindi magawan ng paraan.
- Pakitingnan naman po itong elementary school sa Aritao, Nueva Viscaya dahil naniningil ng P70.00 para sa test paper, P100.00 para sa homeroom project, P240 para sa security guard at P300.00 para sa project na gym. Sana po ay matulungan ninyo kami.
- Sumbong ko lang po itong Fernando Maria Guerrero Elementary School dahil ayaw pong tanggapin ang mga nag–eenroll na bata na Grade 1 para sa susunod na taon. Ngayon lang po nangyari iyong ganoon, ang dahilan nila ngayon ay kapag hindi sa kanila nag-Kinder hindi tatanggapin.
- Idudulog ko sana ang school sa amin na naniningil ng P300 bawat estudyante para raw po sa pagpapagawa ng konkretong upuan sa harap ng silid aralan. Isang public school po ito.
- Dito po sa Inuman Elementary School ng Antipolo kahit hirap magbasa at magsulat ang estudyante basta mag-donate lang ang mga magulang at malapit sa teacher ay ang taas na ng grade.
- Irereklamo ko lang po ang tungkol sa pagpapawalis ng aming Mayor na cash for work, mahigit isang buwan na po ay wala pa kaming natatanggap na sahod.
- Hihingi lang po kami ng tulong dahil inuulan na po kami rito ng abo at nakalalanghap ng usok dahil po sa nag-uuling dito malapit sa relocation site sa St. Martha State Home Batia sa Bocaue, Bulacan.
- Hihingi po ako ng tulong na maalis ang pagdo-double parking dito sa Sampaguita St., Pembo, Makati. At naniningil pa sila ng P20.00 sa magpa-park. Wala naman pong official receipt na maipakita.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo