NAGBABU NA sa pagtuturo sa St. Joseph College ang aktres na si Tetchie Agbayani na isa sa cast ng pelikulang Fallback na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Daniel Matsunaga at Rhian Ramos.
Aniya, “At the moment po I’m on hiatus,” pag-amin ng aktres.
“Tumigil muna ako sa pagtuturo dahil there was a time na ang dami kong sunud-sunod na teleseryeng ginawa at literally dinugo akong pagsabayin yung pagtuturo at pagti-taping.
“Alam n’yo naman sa oras ng taping, di ba, pa-morningan. So, may mga incidents na nangyayari na mapa-pack-up ako ng 6 in the morning and then I just take off my make-up, wear maong and polo then go straight to school dahil ang aking first class noon ay 7:30 ng umaga.
“Tapos magle-lecture pa ako. Medyo mahirap maghukay ng utak kapag puyat ka at walang tulungan. So, after awhile, I had to make the choice and say wag na muna (magturo),” rason pa niya.
Para kay Tetchie,sapat na ang 4 na taong paguturo niya sa dating alma mater.
“Anyway, I’ve taught five years sa St. Joseph. Ang college ko lang naman ay four years, so lamang na sila ng isang taon. Para sa akin tama na yung time na yon to give back to the school that has nurtured me.
“ Now I’m just concentrating on acting and taking care of my private life,” deklara ng aktres at former Playboy centerforld model.
La Boka
by Leo Bukas