‘Di na Kinuha sa Trabaho

Dear Atty. Acosta,

 

AKO PO ay isa sa mga miyembro ng isang samahan sa aming barangay na kinuha ng isang mayamang negosyante upang gumawa ng native products na ibinebenta sa ibang bansa. Mahigit isang taon na kaming nagtatrabaho para sa kanya, ngunit noong huling gawa ay hindi na niya kami kinuha. Ang samahan sa kabilang barangay na ang kinuha nila. ‘Di po ba dapat kami ang kinuha sapagkat matagal na kaming gumagawa sa kanya?    

 

Dally

 

Dear Dally,

 

ANG ISANG regular employee sa ilalim ng Artikulo 279 ng Labor Code ay may karapatan sa security of tenure o hindi siya maaaring tanggalin sa trabaho maliban na lang kung may sapat na dahilan o ang basehan ay isa sa mga just or authorized causes upang matanggal ang isang regular employee. Masasabing regular employee ang isang manggagawa kapag (1) he is engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer o (2) those who have rendered at least one year of service, whether continuous or broken, with respect to the activity in which they are employed.

Bukod sa regular employment, maaari ring maging project employee ang isang manggagawa. Ang project employment ay: employment has been fixed for a specific project or undertaking the completion or termination of which has been determined at the time of the engagement of the employee. Samakatuwid, ang trabaho ng isang project employee ay fixed o nakalaan lang sa isang proyekto kung saan ang pagtatapos ng trabaho ay nalalaman na sa umpisa pa lang ng nasabing proyekto. Ang serbisyo ng isang project employee ay tumatagal habang may proyekto pa at natatapos kapag ang proyekto ay tapos na.

Ang mga project employee ay hindi regular employee. Ibig sabihan kapag natapos na ang project, hindi obligado ang employer na kunin siya sa iba pang mga proyekto. Ngunit kapag nagpatuloy ang pagtatrabaho ng isang project employee kahit natapos na ang proyekto, siya ay maituturing na isang regular employee. Bilang isang regular employee, hindi siya maaaring tanggalin sa trabaho nang walang dahilan.

Sa inyong kaso, binanggit mo na ikaw at ang iyong mga kasamahan ay kinuha ng isang mayamang negosyante upang gumawa ng mga native products na ibenebenta sa ibang bansa. Kung ang naging trabaho ninyo sa kanya ay base lamang sa isang partikular na proyekto kung saan ay nalaman ninyo na sa umpisa kung kelan matatapos ang inyong trabaho, kayo ay mga project employees lamang. Samatuwid, hindi kayo maaaring magreklamo kung sa ibang samahan ibinigay ang sumunod na proyekto. Ngunit kung kayo ay kinuha bilang manggaggawa na magtrabaho nang tuluy-tuloy o ang paggawa ninyo ng native products ay hindi base sa isang proyekto, kayo ay maaaring ituring na regular employee kung saan ay hindi kayo maaaring palitan o tanggalin nang walang sapat na dahilan.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleMaging Bayani sa Simpleng Pamamaraan
Next article“Noel”

No posts to display