MAS MARAMI ang natuwa kaysa hindi nang malaman nilang hindi na tuloy ang movie na pagsasamahan for the first time nina Marian Rivera at Coco Martin.
Kaloka ang mga reaction ng mga tao kay Marian. Ang dami palang hindi pabor na siya ang maka-partner ni Coco.
“Buti naman… thank God,” sabi ni Camilo Sagun.
“Pangit si marian. iba nalang partner ni Coco lugi ung movie ndi papatok,” say naman ni Mine Qhu.
Ang feeling naman ni Brently Aquino Canoga ay “baka daw malugi ang movie kung Marian ang kasama”.
Napa-“ay! Salamat” naman si Genie Tan.
Teka, bakit nga ba maraming ayaw na matuloy ang movie ng dalawa? Ang feeling ba nila ay hindi ito kikita? Ang tingin ba nila ay hindi bagay si Coco kay Marian?
At bakit parang pinandidirihan ng fans ni Coco si Marian?
MAY MOVIE pala na dapat pagsasamahan sina Gerald Anderson, Piolo Pascual at Dingdong Dantes.
Kaya lang, nagmaganda raw ang GMA at hindi nila pinayagan na gawin ito ng Star Cinema. Ayun, dahil hindi natuloy ay sina Gerald at Piolo na lang ang magbibida sa movie na next year pa ang shooting.
Teka, gumaganti ba ang Siyete dahil hindi natuloy ang Marian-Coco movie?
O baka naman ang feeling ng executives ng Siyete ay lugi sila dahil dalawa ang taga-Dos at isa lang si Dingdong.
Or it could be din na they want Dingdong to concentrate on his projects sa Siyete.
Well, whatever it is, hindi naman kawalan iyon sa Star Cinema. Marami namang talent ang Dos.
MATULOY KAYA ang December 8 na playdate ng free concert ni Regine Velasquez?
Kailangan daw kasi ng mahaba-habang pahinga ni Regine dahil sa kanyang karamdaman.
Nawalan ng boses si Regine during her Silver concert at kahit nangyari ito ay walang lumabas ng MOA Arena para iwan siya. She was so well-loved by her fans and followers.
Awang-awa nga kami nang mainterbyu si Regine sa talk show ng Siyete. Talagang wala siyang boses and strained na strained siguro siya after the interview.
Ang maganda lang kay Regine, talagang itinuloy pa rin niya ang concert kahit na alam niyang mapapahiya lang siya nang todo. That’s what I call professionalism.
We hope na maka-recover na si Regine sa virus na tumama sa kanya.