I-FOLLOW KO lang po ‘yung kaso ko.Ang boss ko po ay umalis sa ‘Pinas at pumunta sa Canada para ipagamot ang asawa niya na may breast cancer last Sept. 24. Nag-umpisang humina o dumalang ang mga projects namin simula ng October hanggang sa halos wala na (pa-isa-isa) ngayong December.
May dalawa kaming big account ngayong December. ‘Yung isa ay nag-down at ito ang ginamit nila na pasahe sa Canada. May ginagawa pa po at malapit nang matapos na appraisal report sa SSS (Social Security Systems) at ito ay masisingil ng kumpanya nang mahigit P100,000. Ang problema po namin ay hindi nila nire-remit ang mga binabawas na SSS (sa update ko ay ‘yung buong 2004 at 2010 ay hindi nila binayaran at bungi-bungi ‘yung ibang year – 2011 – July 2011 lang ang bayad).
Ang suweldo po namin ay hindi kukum-pletuhin bukas Dec 15, 2011. Kalahati lang po ang 13th month na ibinigay sa amin. Hinahamon kami ng boss ko na nasa Canada na “kung hindi makatiis ay mag-RESIGN na lang”.
Hindi po per project o commission basis ang pasuweldo sa amin. Fixed po ang sweldo namin per month, marami o kakaunti ang project na dumating sa amin. Umiiwas pong makipag-usap sa voice call/ yahoo messenegr ang boss namin.
Tulungan po ninyo kami kung ano ang dapat gawin na legal action. – Serafin ng Manila
DALAWA ANG maaari mong isampang kaso laban sa employer mo. Una ay tungkol sa ‘di pag-remit ng SSS contribution n’yo. Kasong kriminal ito. Tipunin mo ang lahat ng patunay na hindi nga sila nagre-remit at ipadala mo ito sa SSS. SSS ang bahalang magsampa ng kaso laban sa employer mo.
Ang tungkol naman sa ‘di pagbabayad ng tamang sahod at iba pang benepisyo ay saklaw ng NLRC. Maaari kang magsampa roon ng labor case.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo