NAG-APPLY PO ako sa isang ahensiya para makapagtrabaho sa Jeddah. Halos inabot ng anim na buwan ang documentation at processing ng mga papeles. Noong nakaraang Marso, lumabas na rin ang aking overseas employment certificate. Pero hindi po natuloy ang a-king biyahe. Puwede ko bang i-refund ang aking mga nagastos? — Estela ng Cabanatuan City
DEPENDE KUNG sino ang dahilan kung bakit hindi ka nakabiyahe. Kung ikaw ang may kasalanan o naging dahilan ng ‘di mo pag-alis, wala ka nang mare-refund sa ahensiya. At ikaw pa ang sisingilin ng ahensiya sa mga nagstos nila sa iyo.
Pero kung ahensiya ang may kasalanan sa ‘di mo pag-alis, maaari kang makakuha ng refund.
Itinatadhana ng batas at mga regulasyon na ang isang OFW ay dapat makaalis nang hindi hihigt sa loob ng 60 araw matapos ma-release ang overseas employment certificate niya. Kung lumipas ang 60 araw at ‘di nakaalis ang aplikante, ang ahensiya ay magre-report sa POEA tungkol sa mga dahilan kung bakit hindi siya napaalis. May tatlumpung araw ang ahensiya para magpaliwanag hinggil sa bagay na ito.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo