PARANG PANSIN lang namin na naka-focus ngayon ang taumbayan ke Janet Lim Napoles. Mula nang lumutang ang name niya, hanggang sa paghahanapin na siya at heto nga’t sumuko na siya.
Kung isasabay mo naman ang mga balitang showbiz dito, waley. Luz Valdez na agad, dahil masyado nang involved ang mga tao sa pork barrel scam issue.
Kaya nga, ‘di ba, nagsagawa ng Million People March sa Luneta nu’ng Aug. 26 (Hero’s Day at holiday) bilang pagpoprotesta ng taumbayan sa pork barrel na ‘yan na sana’y i-abolish na.
Kaya nga sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at my Sen. Grace Poe ay pinu-push nang maipasa ang FOI Bill (Freedom of Information) para raw magkaroon ng transparency sa publiko, lalo na sa mga taxpayers kung saan talaga napupunta ang ibinabayad na buwis nila.
Kaya ano pa nga ba ang masasabi namin, kundi “I-push na ‘yan!”
SUMASABAY RIN sa isyu ng pork barrel ang araw-araw na pagte-trending sa twitter ng Got To Believe. Imagine, hindi pa lumalaki sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, tume-trending na, ‘no?
Ibig sabihin niyan, hintayin natin ang paglaki ng dalawang bata, ‘pag mag-top trending ‘yan, alam na kung gaano kalakas talaga ang KathNiel.
EH, NAPANOOD n’yo na ba ang On The Job kung saan bida sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joey Marquez at Joel Torre?
‘Pag napanood n’yo ‘to, sino kaya’ng pulitiko ang maiisip n’yong parang kuwento niya ito? Hahahaha!
Ang husay ng pelikulang ito, grabe. Ang galing ng direksiyon ni Erik Matti, at sa mga nagnanasa kay Shaina Magdayao, juice ko po, napakaseksi ng batang ito sa love scene nila ni Piolo Pascual.
Pero habang pinanonood namin si Papapi at Gerald sa respective love scene nila eh, siyempre, ang concentration namin ay hindi sa mga babaeng ka-love scene nila.
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Hahaha! Alam na.
“NU’NG UNA talaga, pinag-iisipan ko kung saang bar magbe-birthday. Pero nu’ng binagyo nga ang Pinas ay parang napakamanhid ko naman, marse, kung itutuloy ko pa rin, ‘di ba?
“Kaya ayun, nagpaluto lang ako ng konti sa bahay, kami-kami na lang. At itinulong ko na lang sa mga binagyo ‘yung dapat sana’y ipa-party ko, marami pang napasaya, ‘di ba?”
Kaya nga nu’ng nagpunta kami sa bahay ni Mareng Pokwang nu’ng mismong birthday niya last Aug. 27 sa Antipolo ay literal na kami lang ang bisita niya at kung ano lang talaga ang handa niya ay ‘yun na lamang ang pinagsaluhan na namin.
“Eh, kinabukasan naman, lilipad na kami nina PauloAvelino at Sam Milby sa Korea, kaya para makapagpahinga na rin after my birthday. Para bukas, fresh naman ang byuti ko.”
Kung ilalarawan namin si Pokwang ay siya ‘yung galing sa wala na nu’ng nagkaroon ay mas gusto pa rin niyang kasama ‘yung mga dati niyang nakasama nu’ng wala pa siya, kaya love namin ang putahng ‘yan.
Putahng ‘yan talaga?
Oh My G!
by Ogie Diaz