PINALALAMPAS LANG talaga parati at ipinagkiki-bit-balikat ni Janice de Belen ang mga paratang sa kanya. Na kapag nagsalita siya nang diretso at medyo nakakanti ang kanyang ex-husband na si John Estrada, kasunod na noon ang mga pang-iintrigang salita na hindi pa rin daw talaga nakakalimutan ng magaling na aktres ang kasalanang nagawa sa kanya ni John. Kaya hanggang ngayon ay naghihiganti pa rin siya sa pamamagitan ng kanyang mga maaanghang na salita.
Pero sa totoo lang, consistent naman si Janice. Nagsasa-lita lang siya noon hanggang ngayon kapag may kinalaman sa nagkukulang na sustento ni John sa kanilang mga anak. Kahit naman si Janice, hindi rin madali para sa kanya ang magsalita, dahil iniisip niyang iyon ay magiging intriga sa showbiz at malulungkot din ang kanyang mga anak na mga dalaga at binatilyo na. Kaya lang, hindi nga si Janice mahilig magtago ng kanyang nararamdaman kapag mayroon na siyang kaila-ngang sabihin.
Nakalulungkot naman kasi talaga ang nangyayari ngayon, dahil dati-rati, kapag napupuri na malulusog ang mga anak nila ni Janice, ipinagpapasalamat ni John na magaling mag-alaga si Janice. Pero sa patutsadahan nila ngayon ay nagagamit pang dahilan, na kaya raw malulusog ang kanilang mga anak ay dahil hindi pabayang ama ang matangkad na actor. Pero sa ngayon talaga, si Janice ang bongga ang career, samantalang si John, medyo kokonti ang trabaho habang mayroon din siyang anak sa bago niyang pamilya.
POSITIVE ANG dating nga mga pagtanggi ni Lovi Poe na pag-usapan ang tungkol sa paglipat niya sa ibang network. Sa ngayon kasi, Kapuso star pa rin siya. Aware na marahil si Lovi na kung anuman ang puwede niyang sabihin na may kinalaman sa lipatan, baka maging negatibo ang dating noon para sa kanya. Dahil noong una pa lang na pumutok ang balita na may plano siyang lumipat ng ibang network, mayroon na talagang nagsasabing kawalang-utang na loob ang kanyang gagawin.
Mauulit na naman ang panlalait, tulad ng naranasan noon ni Angel Locsin nu’ng umalis siya ng GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN. Ibabato talaga kay Lovi ang salitang walang utang na loob, dahil sinuwerte naman talaga siya nang pagkatiwalaan siya ng Siyete matapos lu-
mabas sa teleseryeng Bakekang at magmula nga noon ay hindi na nagpahinga ang career ng young actress sa paglabas sa mga teleserye ng GMA at nagbibida na siya, ganu’n din sa kanyang mga pelikula.
Wala na ang career ni Lovi sa panahon ng pagmamadali para mapansin sa showbiz. Bukod sa puro pambida na ang mga teleseryeng ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA, malalaking pelikula na rin ang kanyang sinasalihan. Pakikisama lang muna sa kumpanyang nagtiwala at nagpasikat sa kanya ang kailangang gawin ni Lovi para lalo pang tumibay ang pundasyon ng kanyang kasikatan hanggang sa maging big star na talaga siya sa showbiz.
ChorBA!
by Melchor Bautista