BLIND ITEM: Mukhang malapit na nga. Malapit nang bumigay ang isang guwapong aktor kung hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagkagusto sa lalaki.
Sa isang event ay hindi siya palatayo sa ka-nyang upuan. Sa tuwing may babati sa kanya ay nakaupo lang siya, pero nakangiti siya sa bumabati. Pero ‘pag hindi nakatingin sa kanya ang mga guwapong artistang bumabati sa kanya ay sa “harapan” siya nito nakatingin.
Pinagmasdan ng aming source ang kilos ng young actor kung totoo nga ang tsismis, dahil ayaw nga nitong maniwala sa tsikang bading ang bagets.
“Na-confirm ko na tuloy, Mama Ogs! ‘Yun na. ‘Yun na talaga ang gusto niya!”
Kami naman ay nananalig pa ring sana’y ‘wag namang mahipan ng hangin ang lolo n’yo at matuluyan, dahil ayaw ng mga fans niyang iniilusyon siya!
Hay, makasakay nga sa pangalan niya.
NAKAKAAWA NAMAN itong si Kedebon. Ito ‘yung pinapangarap nu’ng ibang haters niya sa Twitter na sana raw, matsugi na, dahil nawawala raw ang kredibilidad ng X Factor Philippines sa kanya.
Ba’t naman?
Eh, ‘yun nga. Ilang beses na raw itong sumasablay sa pag-awit, pero hindi pa rin daw matanggal-tanggal.
Eh, kasi nga, ibinoboto na ma-save at ‘wag matanggal agad. Kahit kami naman, hindi namin gusto si Kedebon. Pero kung lalawakan lang natin ang ating pag-intindi, sumali ‘yung tao sa pag-asang siya’y mananalo sa huli.
Nangangarap ‘yung tao. Gustong maging singer o kahit kengkoy na singer someday. Hindi niya kasalanan na hindi siya nakakarinig ng, “Kedebon, you may go home!” mula sa host nitong si KC Concepcion.
Nakakaawa lang na habang nananatili si Kedebon ay lalong dumarami ang naiinis sa kanya at sa X Factor Philippines.
Paano ba ito mareresolba?
Ayaw naming pangunahan, pero kahit hindi kami singer, parang hindi rin naman mananalo si Kedebon sa huli. Although ‘yung oportunidad na puwedeng lumapit sa kanya, malaki.
Honestly, hindi na kami gaanong naiinis, dahil iniisip namin, walang kasalanan si Kedebon. Although hindi rin naman namin dapat sisihin ang mga huradong sina Gary Valenciano, Pilita Corrales, Martin Nievera at Charice Pempengco.
Feeling naman namin, maraming Pinoy ang nakare-relate dito kay Kedebon, kaya rin siya nananatili.
‘Wag n’yo nang ipa-elaborate sa amin kung in what sense nakare-relate ang mga Pinoy sa kanya, ha?
HAVE YOU watched the stage play Bona? Nako, panoorin n’yo tuwing weekends (Friday, Saturday, Sunday, 3 pm and 8pm) kung type n’yong maaliw at maging memorable ang araw n’yo.
Ang husay-husay ni Eugene Domingo rito. Walang ka-effort-effort ang kanyang acting at kahit ‘yung iba pa niyang kasama, ang galing. Napakabihira mo lang silang marinig na nagbabakel. Talagang nasa puso nila ang kanilang ginagawa.
Nakakatuwa ang mga eksena. It’s up to you kung tatawa ka o ngingiti ka, dahil walang intensiyong magpatawa ang daloy ng kuwento. Matatagpuan mo na lang ang sarili mong humahalakhak na lang sa mga eksena.
In fairness, ang husay-husay rin dito ni Edgar Allan Guzman, huh! At makinis na bata pala nire, ha? Ilang eksena siyang laging naka-boxer briefs lang, dahil madalas siyang paliguan dito ng kanyang fan na si Bona sa bathtub.
Pero alam n’yo bang ang first choice para sa role ni Edgar Allan ay si Paulo Avelino? Naikuwento na ito sa amin ni Paulo noon. Kaso, hindi kakayanin ng kanyang schedule ang mga rehearsals, dahil sunud-sunod din ang taping niya for Walang Hanggan.
Pero alam naming gustung-gusto ni Pau gawin ito. So, if Bona is Paulo’s loss, it’s Edgar Allan’s gain.
Alam na.
Oh My G!
by Ogie Diaz