Vice Ganda is the standard by which comedians are measured.
He is also the standard by which the Metro Manila Film Festival box office is measured because lahat ng MMFF movies niya ay nanguna sa takilya.
Pero hindi nakapasok ang movie niya with Coco Martin na “The Super Parental Guardians”, kung saan kasama rin nila ang breakthrough young actors na sina Onyok Pineda at Awra Briguela.
So, how did he react sa balitang hindi napili ng MMFF ang kanyang movie?
“Na-sad. Pero normal ang ma-sad kasi ‘yun naman ang intention namin, ang sumali sa festival. Pero ready kasi kami at saka ‘yung Star Cinema, ready kami kung ano ang gagawin namin kung hindi kami masasama sa filmfest kaya hindi kami taranta. Ready kami,” say ni Vice.
“Una sad, noong nasa “(It’s) Showtime” ako. Slight natawa. Kasi si Vhong (Navarro) din (ay nalaglag), so dalawa kami. Nag-usap kaming dalawa. Sabi ko sa kanya, ‘Siguro kung ikaw lang ang nalaglag, sabi ko kay Vhong, ang sakit sa ‘yo. Ako rin, kung ako lang ang nalaglag, ang sakit sa akin. Pero dahil dalawa tayo (na hindi nakapasok sa MMFF) ay hindi masyadong masakit,” dagdag pa niya.
Malaking kawalan sa MMFF ang hindi pagkakasali ng movie ni Vice. Tiyak na mararamdaman nila ‘yan. Humanda sila sa pinakamababang box-office result ng kanilang festival this year.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas