DAHIL SA supposed to be na halik ni James Yap sa dating misis na si Kris Aquino, isa na namang karnabal ang buhay ng Queen of All Media.
Heto’t ang isang simpleng kaso ng dating mag-asawa at sa custody ng anak nila ay nauwi na naman sa pista ng media at interes ng publiko.
Naghain ng TRO si Kris thru her lawyer Atty. Frank Chavez na diumano ay ina-accuse nito si James dahil sa pag-aabuso ng kanyang karapatan bilang ama ni Bimby. Sa lengguwahe ni Atty. Chavez, “abuse of visitational rights” and “inflicting psychological harm on their son Bimby”.
Inayunan ng korte ang kahilingan ni Kris na TRO na nagsasaad na hindi puwedeng lumapit si James kay Kris at sa anak (kasama ang mga maid at yaya ng anak) nito sa distansyang 100 metro.
Ang isyung ito na dapat sana ay inaayos na ni Kris quietly sa court na walang media coverange (tulad sa annulment proceedings nila noon na puwede namang ‘no commet’ sila pareho at walang media coverage) ay isa na namang masayang pistang bayan.
Come to think na ang kasong isinampa ni Kris ay lumabas agad sa isang broadsheet noong Miyerkules gayong bawal diumano itong ilabas sa media, ayon sa kampo ni James.
Kung sa tingin ni Tetay na ang awayan nila ng dating mister ang siyang nakakapag-torture sa kanilag anak, hintayin niya ang malaking epekto sa paglaki ni Bimby ngayon na naka-focus ang media at publiko sa bagong tunggalingan nila ni James over their son.
MASAYA ANG campaign season kapag taga-showbiz ang nangangarap magkaroon ng posisyon sa lokal na pulitika.
Si Lucy Torres, nakabalandra ang litrato sa front page ng mga dyaryo dahil sa isyung ilegal ang pagtakbo at pagkaupo niya sa posisyon bilang Kongresista na pamalit sa mister na si Richard noon dahil sa lack of residency ng aktor sa Ormoc City.
Sa kaso ni Richard na tumatakbong Mayor sa lugar ng misis niya sa Leyte, balita rin na may death threat si Goma mula sa mga armed group ng sina-sabsing mga kalaban niya sa pulitika.
Bukod dito, ang New People’s Army sa Samar-Leyte area ay nagpadala na rin ng sulat sa aktor na sinasabi na bibigyan siya ng proteksyon kapag pumasok siya sa mga sinasabing “red areas” sa Leyte.
Si Sen. Chiz Escudero na lover ni Heart Evangelista ay isang “lasengo” sa akusa ng ina ng girlfriend.
Bad trip si Chiz. Bad image nga naman ito sa kanyang kandidatura.
Ang Pinoy, maka-ina. Na ang ending pa nito ay baka mauwi lang sa hiwalayan ang relasyon nila ni Heart at umuwi rin siyang luhaan at talo sa May 13 elections.
Sa kampo ni Aga Muhlach na nangangarap na maging Kongresista sa Camarines Sur, tila tahimik at walang balita.
Sina Coco Martin at Sharon Cuneta, pumunta na rin ng Cam Sur para tumulong sa kampanya ni Aga.
AT 25, nakuha na ni Sarah Geronimo ang tiwala ng kanyang mga magulang, lalo na ng inang si Mommy Divine.
Kung dati-rati ay kabuntot ang ina kung saan man naroroon si Sarah, this time, dahil sa tiwala na ipinakita ng mga magulang sa kanya, mas maluwag na ngayon si Mommy sa dalaga.
Hindi na nga raw nagbabantay sa set ng pelikulang It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema ang ina ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina.
“Kung dumadalaw man si Mommy Divine, nagdadala lang ng pagkain at umaalis na ito at hindi na nagbababad,” say ni Direk Cathy.
Napanood namin ang trailer ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah, ang mga movie-goer, kinikilig pa rin sa sweet romance nina Miggy (Llyody) at Laida (Sarah).
Kaya nga sa Sabado de Gloria (March 30) happy for sure ang Pinoy sa muling pagbabalik ng tambalan ng dalawa.
Reyted K
By RK VillaCorta