‘Di raw dahilan ang foreign singers sa pagkamatay ng OPM Leah Salonga, naniniwalang nasa artist ang problema

NAGPALABAS ANG MTRCB ng bagong ratings ngayon sa telebisyon na classified as SPG or Secured Parental Guidance. Sa nakaraang presscon ng MTRCB na pinangunahan ni MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares, ipinaliwang nito na napapansin natin sa telebisyon lahat ng shows ay naka-clasiffy na PG pero ang intensity ay iba. May tinatawag na intermediate PG na mild pero ang SPG ay para sa mga eksena na medyo may pagkabayolente o sensitibo na nangangailngan talaga ng higit na gabay ng mga magulang.

Klinaro din ng MTRCB head na hindi porke’t na-classify na SPG ang isang show ay hindi nangangahulugang hindi ito magandang palabas. Maaaring intense ang nasabing show pero my redeeming o literary values na makukuha rito.

Present ang halos lahat ng mga heads mula sa iba’t ibang istasyon, lahat naman ay na-ngako na maglalaan talaga ng airing time para mapalabas ang bagong infomercial tungkol sa SGP, kung saan ang mag-anak nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel at ang kambal nilang mga anak ang endorser.

Sa tanong namin kay Ms. Grace kung may kaukulan bang fine o parusa sa istasyon na hindi makikipag-cooperate sa bagong isinusulong na ito ng MTRCB, wala ang isinagot niya sa amin. Gusto nila ay maging kusang-loob ang gagawin ng isang istasyon, pero rito makikita kung sino ba sa mga network na pinapanood natin ang talagang may malasakit sa kanilang mga tagasubaybay.

Tinanong din namin kung bakit ang mag-anak nina Zoren at Carmina ang napiling endorser ng infomercial na ito tungkol sa SGP, ayon kay Ms. Grace ang nasabing mag-anak ay ang perpektong halimbawa ng isang pamilya na parehong nagtatrabaho ang mga magulang pero napalaki nang maayos ang mga anak.

SA PRESSCON cum contract signing ni Lea Salonga para sa concert nila ni James Ingram sa darating na Feb. 17 sa Smart Araneta Coliseum at sa Waterfront Hotel naman sa Feb. 18, hiningan namin ng reaksyon ang internationally-acclaimed singer sa hinaing ng ilan sa mga local artists natin na dapat daw na i-prayoridad ang mga Pinoy artists kaysa sa mga foreign performers tulad sa mga concerts. Bukod kasi sa nawawalan sila ng trabaho, isa ito sa nakikitang rason kung bakit namamatay ang industriya ng musikang Pilipino.

Naging diretso at prangka naman si Lea sa naging pahayag niya na hindi importante kung local o foreign ang isang artists para panoorin niya, kundi maganda ba talaga ang show na ibibigay nito sa kanyang mga manonood kesehodang foreign, local, taga-Cebu o kung taga-saan man ang isang performer.

Naniniwala ang singer na kung alam ng mga tao na excellent ang isang show na ibibigay ng isang Filipino artist, tiyak na ito ang papanoorin at susuportahan ng tao.

Excited sa two-day concert nila ng Grammy award-winning artist na si James Ingram, ikinuwento ni Lea na ito ang boses na kinalakihan niya, kasabay nina Michael Jackson at Patti Austin, naging parte rin ng kabataan niya ang mga kanta ni James. Sa sampung taon na ‘di pagpunta ni James sa bansa, bihira nga naman ang pagkakataon na muli nating mapanood nang live na nagpe-perform si James.

Ang nasabing concert ay produced ng That’s Ntertainment sa pangunguna ni Joed Serrano at Ms. Cora Rodrigo, hindi rin maitago ni Joed ang excitement na madadala niya sa bansa si James na isa sa hinaha-ngaan niyang singer.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleTakot na masapak ni Matteo Anak ni Sylvia Sanchez, iwas sa crush na si Maja!
Next articleWonder Gays, binastos sa mismong concert!

No posts to display