“SA WAKAS may show na rin ako! After seven months!” Ito ang namutawi sa bibig ni Mike Tan na matagal-tagal na rin since nabigyan ng another show ng kanyang home studio na GMA-7.
At kahit nga medyo natagalan bago ito nabigyan ng show, hindi naman daw nagawang magalit ni Mike sa Kapuso Network, bagkus ay naging pasensyoso raw ito sa paghihintay ng maibibigay sa kanyang proyekto.
“Ay, hindi po. Okay lang sa ‘king maghintay ako. Kasi tuloy-tuloy naman ang guestings ko sa iba’t ibang show and I was assigned to do a lot of regional shows kaya nakakaikot ako sa bansa. Pero siyempre nami-miss ko rin naman na meron akong regular shows, ‘yung lagi kang napapanood araw-araw ng fans mo.”
Tsika pa ni Mike, hindi raw siya mapili sa proyekto o role na ibibigay sa kanya, pero hindi pa raw siya ready na gumawa ng gay films.
“Naku, hindi ko pa kaya. Lalo ‘yung may halikan sa kapwa lalaki. Hanga ako sa mga gumagawa ng ganyan. But for me, hindi ko pa talaga kaya. Ibigay na lang natin ‘yan sa mga taong kaya na nila ang ganu’ng klase ng role. Pero sa ngayon, ‘di ko pa talaga kaya ‘yun. Hindi naman ako nagsasalita ng tapos, siguro ‘pag ready na akong gumawa ng ganu’ng kalseng pelikula, why not, ‘di ba? Pero sa ngayon, pass muna ako sa ganyang klaseng project,” pagtatapos ni Mike.
AFTER TWO weeks sa Cannes International Film Festival, nakabalik na muli sa Tokyo, Japan ang Japanese actor/director/producer na sobra ang kasiyahan sa kinalabasan ng pagdalo niya sa prestihiyosong festival na dinaluhan ng iba’t ibang pamosong artista, hindi lang sa Hollywood kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Gayun din ng producers, directors, writers at mga technical people na may kinalaman sa paggawa ng pelikula.
Si Jacky ay naimbitahan doon dahil entry ang pelikulang Death March na kanyang prinodyus sa “Un Certain Regard” section ng Cannes. Ang Death March ay dinirek ni Adolf Alix, Jr. at isa si Jacky sa cast ng nasabing entry. Isang malaking boost sa Death March ang mapabilang sa prestihiyosong film festival na ito.
First time ni Jacky na makadalo sa malaking event na ito at nabigyan siya ng pagkakataon na makahalubilo ang mga pamosong artista at director mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula raw ng dumating sila roon ay super busy si Jacky sa meetings ng events organizers, business agents at buyers ng mga pelikula.
After ng Cannes, nakatakdang ipalabas sa Paris at sa iba pang parte ng France ang Death March na si Mr. Didier Costet ng Swift Productions ang nangangasiwa. Isa si Mr. Costet sa mga nasa likod ng Cannes.
NAKABIBILIB ANG radio station na PinasFM 95.5 dahil 100 % ang support na ibinibigay nila sa OPM singers. Ayon nga sa program manager nitong si Mr. Raymond Stone, mas priority nila ang mga awiting Pinoy. Gusto raw kasi nilang palakasin pa ang Philippine music industry, kaya naman daw ang mga kantang Pinoy ang kanilang prayoridad na patugtugin as long as maganda ang inihahatid ng kanta at hindi ito double meaning or may hindi magandang mensahe ay pasok sa kanilang playlist.
At sa pagseselebra nila ng kanilang Ikalawang anibersaryo, ilo-launch nila ang “Bagong Himig, Bagong Tinig” na naglalayon para suportahan ang magagaling na baguhang Pinoy singers na mapatugtog ang kanilang awitin sa PinasFM nang libre.
Bukod sa “Bagong Himig, Bagong Tinig”, isang napakalaking konsiyerto naman ang hatid nila sa kanilang loyal listeners na pangungunahan ng mga sikat na banda at mang-aawit sa bansa sa pangunguna ng Itchyworms, Moonstar 88, Gracenote, Kenyo, Silent Sanctuary, Cueshe, Jovit Baldovino, Bugoy Drillon at Liezel Garcia, kasama ang PinasFM DJs.
Ito’y magaganap sa June 12, 2013 sa Ynares Sports Center na may temang “One Plus One Equals Hap-Pinas” at may tagline na “Mas Masaya ‘Pag May Kasama”.
John’s Point
by John Fontanilla