‘Di raw nagkaroon ng dyowang paminta si Rustom Padilla
BB Gandanghari, ‘di raw nakare-relate sa bekiserye

BLIND ITEM: Pahiya ang isang talent manager whose artists have crawled their back to their mother network.

Kayabangan na rin kasi ang pinairal ng manager na ito na ilipat sa ibang istasyon ang dalawa sa kanyang mga alaga, isa rito ang isang morenang aktres.

Ending: after ayawan ng aktres ang isang kasado nang TV project, she’s back after inking a contract with the network. What’s more, may kunu-kuno pang tag ang aktres na ‘yon during her relaunch. Fine, mahusay naman siyang aktres, sadly though, her manager is enslaved to the “pera-pera” lang system.

Shame of all shames, hindi kinagat ng lilipatang istasyon ng aktres ang hinihingi ng manager nitong si Deo Lorenzana!

“RUSTOM (PADILLA) is dead!”

Maituturing na isang klasikong linya ang binitiwan noon ng ngayo’y kilala na bilang BB Gandanghari patungkol sa dating aktor na nakalibing na sa limot. But of course, figure of speech lang ‘yon, hindi literal na pumanaw ang dating Viva star kundi nag-ibang-anyo lang: sa pangalan, sa kilos at sa pananaw sa buhay.

We should give credit to BB, kasalu-saludo kasi ang kanyang “pagtakas” sa klosetang matagal-tagal ding panahong bumilanggo sa kanya. And BB cannot be any happier.

Tamang-tama naman ang muling pagpapagitna ni BB sa sirkulasyon, after her (tama ba ang aming pronoun?) stage play, she makes her presence felt once again via a show. As if her active showbiz career is perfectly timed, nagkataong sentro ng kontrobersiya ang bekiserye ng GMA, kung kaya’t mahalaga ang kanyang opinyon tungkol sa tema ng panooring ‘yon.

Ani BB, hindi naman daw sa iniiwasan niyang magkomento sa palabas na ‘yon, in fact, she commends the creative team with the way such a gay-themed teleserye is being cautiously handled. Yes, despite the fury and the furor mula sa ilang sektor na iba ang pananaw ukol dito.

Simple lang ang katwirang ibinigay ni BB: hindi siya nakare-relate sa kuwento.

Sa mga tagasubaybay ng bekiseryeng ‘yon, umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng dalawang “pamintang” bakla.

BB can hardly relate to the characters involved, “babae” na kasi siya. At noong “nabubuhay” pa raw si Rustom ay wala naman daw itong karelasyong paminta. Ows? If so, we respect BB’s admission.

May pagkadelikado nga lang ang tinurang ‘yon ni BB tungkol kay Rustom that never did the latter engage in a homosexual relationship. One admirable thing about BB, never niyang ibinuko sa publiko kung sino ang nakarelasyong pamintang aktor ni Rustom.

Even if in showbiz circles ay alam kung sino ang “nagprodyus” ng kanilang Hollywood romance movie na Paramount Pictures… Paramount Pictures daw, o!

WITH THEIR reconciliation came forgiveness. Pero hindi raw porke’t  nagkaayos na sila ng kanyang dating manager, Ynna Asistio hardly sees no possibility na muli siyang magpapa-manage kay Annabelle Rama.

Nalulungkot si Ynna that things are never the same again with Annabelle, understandable naman kasi ang kapwa nila sinuong na legal battle for one and a half years. Yet Ynna acknowledges na fact na mahalaga si Annabelle sa naging takbo ng kanyang career noon.

Sa ngayon, Ynna is a part-time student. Kahit subsob sa pag-aaral, she still welcomes whatever showbiz work that comes her way, ‘yun nga lang, hindi na raw ‘yon tulad ng dati when Annabelle would close any showbiz commitments despite their back-to-the-good-ol’-days now.

Ani Ynna—at nauunawaan namin ang kanyang rason—kahit paano’y nagkalamat na ang relasyon nila ng dating manager. Tama na raw that the feuding parties have smoked the peace pipe, most specially sa pagitan ng kanyang ina at ni Annabelle.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleNo Writer’s Cut: Krista Miller One-On-One Interview (Part-2)
Next articleKahit nagbibida na
Rocco Nacino, game na game pa ring mag-kontrabida

No posts to display