HANGGANG NGAYON, patuloy pa rin ang pagsuporta ni Willie Revillame sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Katunayan nga, ‘yung mga binaha sa iba’t ibang parte ng Metro Manila ay namahagi siya ng relief goods sa tulong ng production staff ng Wil Time, Bigtime. Tatlong araw ba namang walang tigil ang ulan kaya’t lumubog sa baha ang Kamaynilaan.
Tahimik ang ginagawang pagtulong ni Wiilie sa mga kapus-palad. Hindi niya kailangang ipa-press release para bumango ang kanyang pangalan. Ibinabalik lang ng TV host/ singer sa mga tao ang blessing na natatanggap niya galing sa Panginoon. Hindi raw siyang magsasawang magkawang-gawa habang siya’y na-bubuhay. Ito raw ang pangako niya sa kanyang sarili. Iba raw ang pakiramdam na marami siyang natutulungan nating mga kababayaan.
Inamin ni Willie na hindi siya tatakbo sa darating na eleksiyon kaya’t tigilan na raw ang intrigang nagpapabango lang siya sa publiko. Ang Wil Time, Bigtime, maging ‘yung ibang show ng controversial TV host ay inaalay niya sa publiko.
“Ang show namin ay ginawa para magbigay-saya at ligaya sa ating manonood at makatulong sa ating kapwa,” say niya.
KUNG ANG mga artistang involved sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ay may kanya-kanyang paborito, ganu’n din ang mga reporter. Outstanding para sa amin si Jeric Gonzales, 19 years old na taga-Calamba. Iba ang dating niya on stage compared sa ibang aspirants. Sabi nga ni Joey de Leon, may ‘eat’ ang guwapong binata na kagigiliwan ng fans.
Inamin ni Jeric na taken na siya at very supportive ang kanyang girlfriend sa pagpasok niya sa showbiz. Hindi magiging hadlang sa relationship nila kung sakaling maging big winner siya. “Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging artista kaya active ako sa extra-curricular activities sa school. This time, I’ll do my best para sa big break na ito ng GMA-7,” say niya.
Kumusta naman si Gina Alajar as your mentor? “Seryoso po siya pagdating sa workshop namin. Ang galing po niya as an actress. Marami kaming matututunan sa kanya pagdating sa acting.”
Pumapangalawa sa listahan namin si Bryan Benedict, 21 years old from Cebu. Mayroon siyang certain aura na nakita namin habang rumarampa on stage. Matagal na niyang pa-ngarap na maging artista kaya’t nang magkaroon ng artista search ang GMA-7, agad niyang pinaghandaan ito. May mga teleserye na rin siyang nagawa sa Kapuso Network, maliit nga lang ang role. “Sa pamamagitan ng “Protégé, made-develop ang acting talent ko bilang isang mahusay na artista at bilang isang tao,” wika nito.
Nakatawag-pansin sa amin ang bagets na si Mikoy Morales, 18 years old, Roxas City. Nag-aaral sa La Salle Taft, cute ang dating niya lalo na nu’ng makausap namin. Kapansin-pansin ang confident sa sarili, marunong magsalita at kayang-kaya dalhin ang sarili. Alam ang sinasabi at determinadong maging isang sikat na artista. “My burning passion bought me here. And when this opportunity came, I took it right away,” wika ni Mikoy.
Bukod sa pag-aartista, isa rin palang maga-ling na singer si Mikoy. Inawitan niya kami nang mala-Broadway song na lalong ikinabilib namin sa kanya. He got the looks, the talent pero worried siya sa kanyang height. ‘Yun nga po, maliit lang ako compared sa mga kasamahan ko na puro matatangkad, ako lang ang maliit sa kanila,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield