SA EXCLUSIVE na panayam namin sa aktres na si Euala Valdes noong September 11 sa Sir Boy’s Food Republique, ikuwento nito ang tungkol sa kanyang role sa Tony award winning musical na Nine. Aniya, “Na-tap ako to play Claudia Jenssen here, actually I auditioned for the role. They offered it to me pero kailangan nilang malaman kung abot ko, ‘yung nasa range ko ‘yung kanta, because ‘yung sa movie kasi, yung role ni Nicole Kidman na si Claudia ay mababa ‘yung song niya, pero ito hindi nila puwedeng i-alter ‘yung sa Broadway na version, so medyo mataas.
“Nu’ng nag-audition ako, nakatalikod ako. Unang-una, I got the study CD, the night before ng audition and I’ve decided na mag-audition ako right away, para tapos na. Makuha o hindi, hindi ko na patatagalin.”
Sa poster pa lang ng nasabing musical ay very ‘Amor Powers’ ang peg ng kanyang litrato, ang kanyang classic role sa Jericho Rosales-Kristine Hermossa starrer na Pangako Sa ‘Yo noon sa ABS-CBN. Ano kaya ang masasabi niya rito? “Ano ba wala na si Amor Powers, hindi siya si Amor Powers. Hindi mataray ‘yung role, diva siya pero iba. Lahat ng women na nandito, nagkaraoon ng relationship sa bida. Alam mo, kanya-kanya silang parte ng buhay ni Guido Contini.”
Si Guido Contini ay ang bidang karak-ter na bibigyang katauhan ni Jett Pa-ngan.
Nilinaw na rin namin kay Eula kung ano ang reaksiyon niya sa mga nagpakalat ng isyu na hindi nakatulong ang pagpasok niya sa seryeng Walang Hanggan. Siya kasi ang pumalit sa karakter ni Rita Avila bilang Black Lily. Mahaba ang naging paliwanag niya rito. “Nung in-accept ko ‘yung Walang Hanggan, alam na nila na I’m going to do Nine. So, after nu’ng Mundo Man ay Magunaw, wala na akong dapat gagawing soap, kasi dito na ako magko-concentrate sa Nine, and ayoko rin ng merong ibang work other than Nine. ‘Di ba kasi, bukod sa hectic ‘yung schedule, mapupuyat ka and kakanta ka rito.
“Sino ba’ng magsa suffer? Ako rin. So, ayokong pahirapan ang sarili ako. May one and a half na pagitan before mag-start ng rehearsals ng Nine and nasa States ako nu’n when I got a call from my manager. Sabi niya, pinapagawa nga sa akin ‘yung Walang Hanggan. Sabi ko, alam ba nila ‘yung meron akong musical? Alam naman nila and willing naman daw silang mag-adjust.
“Work around the schedule ng rehearsals, so sabi ko, wow… eh, ‘di why not? Sabi ko just see to it na hindi siya mag-o-overlap, ‘yung hindi talaga maapektuhan ‘yung rehearsals. Kasi ayoko na may ibang iisipin kapag may play. Kasi na experience ko na ‘yan nu’ng 7th run ng ‘Zsa Zsa Zaturnah’, nasa GMA-7 ako nu’n, ginagawa ko ‘yung ‘Kamandag’, kakalipat ko lang ng 7 nu’ng time na ‘yun, and then they decided na gawin ulit o ituloy ‘yung The Wedding. Siyempre para walang bad blood, nag agree ako to finish it to do it, ‘yung The Wedding, at the same time ‘pag weekends, may show kami ng Zsa Zsa, so lagare ako both networks, tapos may kanta, ‘yun. Tapos iniisip ko, naku mamaya may show ako, tapos hindi pa tapos ‘yung taping, paano kung mawawalan ako ng boses? So, ayoko nang ma experience ‘yun ever, gusto ko lang naka-focus ako sa Nine.
“Ang masasabi ko, ginawa ko lang ‘yung makakaya ko. May mga positive reviews din naman kahit papa’no, pangalawa ka pa lang sa narinig kong negatibo. Kasi ini-expect nilang maging kontrabida. Unang una, kung nanonood sila, kung naumpisahan nila ‘yung Walang Hanggan, tinuloy ko lang ‘yung karakter ni Rita Avila na hindi naman siya kontrabida, martyr siya, ang pinaka-flaw lang siguro sa karakter niya ay sobra siyang in love, ‘di ba? So, ‘yun.”
Ang role ni ginampanan ni Rita ay asawa ni Richard Gomez na aksidenteng ‘namatay’ sa isang plane crash pero magbabalik ang character nito sa ibang katauhan – si Black Lily na ginampanan nga ni Eula.
Dugtong pa nito, “So hindi naman antimano na kapag bumalik ka, ‘di ba, gusto nila kontrabida? Hindi ba sila marunong umintindi na overnight, na kahit na magpabago ka ng mukha, it doesn’t follow na magbago ka ng ugali? ‘Yung karakter ko, bumalik siya not for revenge, but to seek justice, sana maintindihan nila na ‘yun. Hindi naman na porke’t nakita nilang may magbabalik or whatever, gusto nilang sampalan nang sampalan. Ano ba? ‘Di sila na lang ang magsampalan.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato