WALANG PAG-AMING na-mutawi sa bibig ng magandang GMA Artist Center prime artist at lead actress sa na si Sarah Lahbati kaugnay sa isyung may namamagitan na sa kanila ng kanyang leading man sa said show na si Richard Gutierrez.
All smile si Sarah na blooming nang makausap ng mangilan-ngilang press people na nagsabing, “Nasa getting to know pa lang talaga kami ni Chard. Sabi nga, maganda ‘yung mabagal, pero sure. Hindi naman kailangang magmadali, eh. Pero, kung manliligaw si Chard, alam naman niya na mahihirapan siya. Siyempre naman, long hair ako. Gusto kong makita niya ang values ko. Gusto ko ring malaman niya na hindi naman ako basta-basta.”
Bida pa nito na sobrang bait at gentleman daw ni Richard ‘di lang sa kanya kundi maging sa iba pa nilang katrabaho. “Mabait talaga siya kahit kaninong tao. Marami siyang tinutulungang tao. Big heart talaga siya.”
Cluless din daw ang magandang dilag sa kung ano ba ang nagustuhan sa kanya ni Richard. “Hindi ko nga alam sa kanya kung ano ang nagustuhan niya sa akin.”
Bukod kay Richard na napapabalitang grabe kung bantayan siya sa set ng kanilang soap at maging sa mga events na kanilang pinupuntahan, may iba pa raw na dinadaan na lang sa text ang panunuyo kay Sarah. “Hindi naman bantay-sarado. Sobra naman. Pero, may mga nagti-text din na ibang guys from showbiz. Pero, hanggang text lang talaga.”
Saludo naman daw si Sarah sa kabaitan ni Tita Annabelle Rama, ‘di lang sa kanya kundi maging sa ibang mga taong nakakausap nito. “Contrary sa mga sinasabi ng iba, she’s very sweet. Sobrang sweet niya sa akin. Like one time, dumating siya sa taping ng Makapiling Kang Muli, may dala-dala siyang lechon Cebu na sampu yata. Tapos, hindi talaga siya tumitigil hangga’t hindi kumakain ang lahat. Tapos, ang sweet din niya sa mga apo niya at mga anak niya. Alagang-alaga talaga niya sila.”
Tsika pa ni Sarah, kung magiging seryoso sa kanyang panliligaw, hindi raw malabong sagutin nito si Richard lalo na`t botong-boto naman ang ama nitong Morrocan, na ng minsang magbakasyon dito sa Manila ay naging magaan kagad ang loob sa binatang Gutierrez, dahil na rin sa maraming bagay na parehong gusto at napagkakasunduan.
NAGSIMULA NANG umere ang kauna-unahang ecofantasya hatid ng TV5, ang Enchanted Garden, na mapapanood bago mag-Wil Time Bigtime, at ang may pinakamalaking papremyo sa lahat ng talent search sa bansa na Artista Academy.
Kuwento nga ni Sir Persi Intalan, TV5 Creatives and Entertainment Production, “Patuloy na itinataas ng TV5 ang mga programming standard sa local industry. Handog ng network ang nakatutuwang mga show na kagigiliwan ng mga tao. Mayroong serye na puno ng suspense, drama at aksyon at mayroon ding mga palaro at reality show na paniguradong susubaybayan ng mga Pinoy.
“Layunin ng TV5 na baguhin ang mukha ng Pinoy primetime sa pamamagitan ng mga programang naiiba sa nakasanayan.”
MULING TUMANGGAP ng kanilang ika-3 award ang grupong UPGRADE na kinabibilangan nina K-Cee Martinez, Mark Baracael, Rhem Enjavi, Ron Galang, Raymond Tay, Armond Bernes at Miggy San Pablo sa katatapos na 20th Asia-Pacific Excelllence Award for Outstanding Filipino Boyband of 2012.
Kasabay na tumanggap ng award ng UPGRADE sina Angeline Quinto, Manny Pacquiao, Teejay Marquez, DJ Joph, Sarah Geronimo, Daiana Menezes, Sen. Ernesto Maceda, Hon. Nur Misuari, Gov. ER Ejercito, atbp.
Bukod sa natanggap na award ay naging espesyal ding panauhin ang UPGRADE sa katatapos na Mr. & Ms. Freshmen 2012 ng Lyceum of The Philippines Batangas City.
John’s Point
by John Fontanilla