‘Di raw tulad ng ibang beauty pageant Miss World-Philippines, walang nire-recycle na gown!

HINDI MAN intended na magpahaging sa isang beauty pagaeant, marami ang nakapunang parang patama sa ibang Beauty Pageants ang binitawang pahayag ni Ms. Cory Quirino ng Miss World-Philippines na hindi uso sa kanyang pageant ang paggamit ng recycled gowns.

Kumuha kami ng 50 designers na gagawa ng gown exclusive for the Miss World candidates. Walang recycled gowns dito, lahat bago. Pati crown namin, bago. Pinagawa pa namin sa Singapore.”

At kahit nga raw ang pagsali ng mga talunang kandidata sa ibang beauty pagaeant ay welcome sa kanila as long as pasado sa criteria.

“Hindi naman natin puwedeng pigilan ang sinumang gustong sumali. Mas marami, mas maganda para makapili tayo ng the best na puwedeng mag-represent ng ating bansa sa Miss World 2012,” katwiran pa niya.
Sa May 12 ang simula ng nationwide screening para sa possible Miss World candidates at gaganapin ito sa SM Marikina, sa Mayo 18 (Cagaya de Oro), May 19 (SM Cebu), May 27 (SM Naga), June 1 (SM Mall of Asia) at June 3 (SM Pampanga). Dapat ang sasali ay 17-24 years old.
At ang mananalo  sa  Miss World-Philippines ay tatanggap ng P1-M cash at iba pang prizes. Ito’y mapapanood sa TV5 sa June at ang inaabangang Miss World 2012 na gaganapin sa Mongolia, China sa August.

MARAMI NA ang nag nag-aabang sa mu-ling pagbibida sa pelikula ni Ogie Alcasid as ‘Boy Pick-Up’ na sumikat sa Bubble Gang.
Thankful daw ang mahusay na direktor na si Dominic Zapata na siya ring writer, dahil may cameo role sina Boy Abunda, Chef Boy Logro, Ian Batherson at Derek Ramsay.

At dahil nga sa kasikatang tinatamasa ngayon ng ‘Boy Pick-Up’, na sikat na sikat ngayon sa mga kabataan, pihadong isa na naman itong blockbuster movie mula sa GMA Films at Regal Entertainment ni Mother Lily na masayang-masaya ngayon sa pagpatok sa takilya ng The Mommy Returns.

 

ANG MAKA- DUET raw si Sarah Geronimo ang pangarap ng singer na si DK Valdez na naka-base na sa UK. Big fan daw ni Sarah si DK na bilib na bilib sa angking talino ng young diva sa pagkanta. Katulad ni Sarah, gusto rin ni DK na magkaroon ng sariling hit songs, hit album at concert series sa bansa.

At kahit nga may career sa UK, bumalik ng Pilipinas si DK para iparinig ang kanyang awitin sa kapwa niya Pinoy kung saan lilibutin niya ang buong Pilipinas para i-promote ang kanyang album, ang It’s All about Love, na balita namin ay nag-number 1 Top Selling Album (OPM and Foreign) sa Astrovision ng April 2 to 8 sa kanyang 1st week at nag-over-all number 1 naman sa (OPM and Foreign) sa Astrovision sa kanyang 2nd week, at nag-number 2 naman ito sa kanyang 2nd month sa Astrovision mula April 30 to May 6.

After ng kanyang promo tour, babalik muli sa UK para mag trabaho si DK. Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong magkaroon ng maraming proyekto sa bansa, baka mag-stay raw siya ng ilang buwan.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleHelen Gamboa, Sobrang Saya sa Pagbabati Nila ni Sharon Cuneta
Next article‘Claudine Barretto’, mas matindi pa sa ‘Noynoying’!

No posts to display