HINDI LANG sa Pilipinas pinag-uusapan ang bagong looks ng Pinay international singer na si Charice Pempengco na nagpaikli ng buhok na kulay blonde, dahil maging sa Amerika at Canada ay paboritong pag-usapan ang bagong hitsura ni Charice.
At kung hati ang pananaw ng mga kababayan nating Pinoy, maging ng mga kapwa nito mang-aawit sa pagbabago ng looks ni Charice, sa mga Pinoy singers na gumagawa ng pangalan sa Amerika at Canada ay swak naman daw sa kanila ang pagbabagong-bihis nito.
Tsika nga ng 2008 Pinoy Canadian Idol/ record-concert producer at President/ CEO ng Ecclesiastes Entertainment sa Vancouver, Canada at ng iba pang Pinoy-Canadian singers, normal lang naman daw sa kaninong artists ang magkaroon ng bagong looks.
Hindi naman daw kasi puwedeng laging ganu’n na lang ang looks ng isang artist lalo na si Charice na isang international singer. Dapat daw ay la-ging may bago para hindi pagsawaan. Paniguradong may stylist naman si Charice na humahawak sa magiging looks nito at ngayong 2012, na nakaaalam kung bagay ba sa singer ang kanyang new looks o hindi.
DAHIL SA magandang feedback sa pelikulang My Kontrabida Girl ng GMA Films na showing na sa mga sinehan, kung saan muling kinakitaan ng galing sa pag-arte si Rhian Ramos at maraming pumuri sa magandang pangangatawan ni Aljur Abrenica, kaya naman marami ang nagsasabing isa talaga si Rhian sa maituturing na mahusay na aktres sa bakuran ng GMA-7, at marami-rami na ang naghihintay ng susunod na teleserye nito sa Kapuso Network.
And speaking of teleserye, dahil sa tagumpay ng My Kontrabida Girl, bakit hindi raw pagtambalin ulit sa soap sina Aljur at Rhian na maganda naman ang chemistry at may kilig sa said movie, ‘di bah?!
NAKATAKDANG BUMISITA sa Pilipinas ang Pinay-Canadian singer at tinaguriang “Little Girl with the Big Voice” para i-promote ang kanyang album sa Canada ang “Geena Geneza, Inspiration” under Ecclesiastes Entertainment ngayong summer.
Kung saan naglalaman ang album nito ng 10 original songs, ang “Inspiration”, “Street Lights”, “Bubble Gum”, “Falling”, “Home”, “Feeling Good”, “Design”, “To Be Heard”, “Beauty of Life” at “Ebrace” na mula sa komposisyon ng mahusay na Pinay-Canadian composer na si Nora Omosura.
Lilibutin ni Geena ang iba’t ibang TV shows at mall sa bansa para iparinig sa ating mga kababayan ang kanyang awitin.
BUKOD SA pagsasayaw at pag-arte ay muling magkakaroon ng dance workshop ngayong summer ang pinakasikat na female dance group sa bansa, ang SexBomb Girls.
Pero this time, makakasama na ring magturo nina SexBomb Che-Che Tolentino at Aira Bermudez ang mahusay na dancer/ young actor na si Julian Trono.
Kaya naman, if you want to be fit and healthy, samahan si Aira evey MWF ng 1-2:30 pm, samantalang kung gusto n’yo namang matuto ng latin dance ay mag-join na sa class ni Che-Che tuwing MWF 10:30-12pm .
At kung gusto n’yo namang matuto ng Hip-Hop dance, pasok na sa klase ni Julian Trono every MWF 3-4:30 pm. Para sa iba pang impormasyon, tawagan lang ang Focus E sa numerong 928-49-67.
John’s Point
by John Fontanilla