‘Di tulad ng ibang artistang involve sa katsipang isyu Gloria Romero, napatili ang magandang imahe sa showbiz

BLIND ITEM: Malinaw na ipinrisinta ng produksiyon sa manager ng aktor ang konsepto ng magiging bagong show nito. Aprub sa manager ang overall concept na balitang ikina-excite pa nga ng kanyang alaga kahit nasa papel pa lang ang bago’t naiibang hamon sa kanyang career.

Dumating ang araw ng unang taping para sa bagong programa ng aktor, siyempre, sinamahan siya ng kanyang manager na tinitiyak lang kung nasunod lahat ang kanilang napagkasunduan. As far as the production team was concerned, every detail — from the biggest to the most minute — was taken into consideration.

But just when the staff thought that the first taping day would turn out to be hassle-free, heto’t umeksena raw ang manager ng aktor. Ayaw raw niya ang mga gagawin ng kanyang alaga, at kapag hindi tumalima ang produksiyon sa nais niyang mangyari ay hindi raw niya pahihintulutang mag-taping ang kanyang alaga.

Ang ending, nasunod ang kapritso ng manager. In an instant, binago ng produksiyon ang konsepto para lang hindi ma-pack up ang taping. Of course, more than the uncomplaining actor ay bida sa kuwentong ito ang manager na itago na lang natin sa alyas na Dyesebel (sorry, this much we can reveal dahil wala namang apelyido ang mga mermaid).

OVER A casual tsikahan with a respected stage playwright-director ay naungkat ang isang retiradong aktres na muling nabuhay sa ating kamalayan dahil sa kanyang legal na hakbang laban sa isang aktres.

We will not dwell on the specifics, pero nasa korte na ang pagpapasya kung may probable cause ang asunto ng former actress.

Sabi ng aming katsikahan, to which we agree, the former actress-complainant should rise above all this controversy considering na minsan isang panahon ay iniluklok siya sa mataas na pedestal ng kanyang mga tagahanga. And what a ploy para paingayin ang kanyang pangalan (although according to her, nananahimik siya at walang balak magbalik-showbiz) via her legal step.

Tuloy, hindi maiaalis na pumasok sa aming isipan ang mga pinagpipitaganang pangalan tulad nina Ms. Gloria Romero at Ms. Rosa Rosal who, all these years, have maintained their unquestioned respectability, hindi lang bilang mga haligi ng industriya kundi sa magandang imahe ng kanilang pagkatao.

We do not say, however, na kuwestiyonable ang pagkatao ng dating aktres who’s in the news these days, but for her equally respectable stature as well as her pedigree — that once made her a showbiz royalty — parang katsipan ang kinapapalooban niyang isyu.

POLITICAL STARS — both aspirants and existing — have until October this year para sagarin ang kanilang exposure on TV and in the movies bago ang 2013 local elections.

Ito ang nabatid namin mula kay Manila City Councilor Robert Ortega who visited the studio of Startalk TX lat Saturday para i-follow up ang naka-line up na TV assignment for him as brokered by his manager Lolit Solis.

Robert is seeking his second term bagama’t nabuno niya ang kanyang tatlong magkakasunod na termino (or equivalent to nine years) as the city alderman.

Napag-alaman namin na nasa ilalim si Robert ng alyansang Erap Estrada-Isko Moreno para banggain ang puwersa ni Mayor Alfredo Lim and whoever will be his running mate. Robert is honest enough to say that the incumbent local chief is just as formidable as the former state leader, “Kaya kailangan naming magtrabaho.”

Tanong namin kay Robert, paano ‘yan, nakatitiyak na ng solidong suporta si Lim mula sa Chinese community which constitutes a large chunk of the electorate? “Hindi rin,” pangongorek niya sa amin, “Marami rin tayong mga Chinoy na sumusuporta kay Erap.”

Kunsabagay, the next election is barely a year from now. Ayon nga kay Ara Mina, who ran as Quezon City Councilor but lost, “You CAN never CAN tell (sic).”

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSharon Cuneta, wala pa ring pagbabago?!
Next articleMegan Young at Mikael Daez, friends lang daw pero nagdi-date!

No posts to display