LIKE A round peg that did not fit in a square hole, maikukumpara rito ang kaso noon ni Ruffa Gutierrez in a TV5 weekend talk show who felt “betrayed” by her co-host. Ayon kay Ruffa noon, she was caught by surprise sa “bulong” segment ng programa where she was asked “malicious questions” about her private life.
Dahil doon, Ruffa staged a walkout, pero nakuha niyang tapusin ang episode. But all along, she took to the Twitter her irate sentiments na kesyo nabastos daw siya ng production, bagay na inalmahan ng main host na si Cristy Fermin.
As TV5 now takes a higher level in weekend primetime programming, this time around ay magkasama naman sina Cristy at Raymond Gutierrez sa Showbiz Police that airs beginning this Saturday, 6 p.m. Kasama nila sina direk Joey Reyes at Lucy Torres-Gomez.
Curious lang kami: mag-gel kaya si Raymond sa grupo led by Cristy? Is Raymond game enough kumpara sa kanyang Ate Ruffa? In fairness to Raymond, his spotless track record speaks for itself kaya siguro naman ay hindi siya magiging sakit ng ulo ng production tulad ng kanyang kapatid.
ONE DAY Isang Araw teaches yet another life lesson in the episode tomorrow tiled My Doggie Chuchi.
Sa ikapitong kaarawan ni Anne, natanggap niya ang regalong matagal na niyang inaasam: isang alagang aso na inampon ng Ate Marie (Janine Gutierrez) niya mula sa shelter.
Sa maikling panahon, naging mag-“BFF” si Anne at ang alagang pinangalanan niyang Chuchi. Unfotunately, isang aksidente ang maglalayo sa dalawa.
Anne has to deal with the grief of losing her best friend. Pero paano niya bibigyan ng parangal ang mga alaala ng kanyang pet dog?
Alamin ang buong kuwento sa “One Day Isang Araw” kasama sina Jillian Ward, Milkah Wayne Nacion, Marc Justine Alvarez at Joshua Karon Uy mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez alas sais ng gabi sa GMA.
BLIND ITEM: Sinasadya naming iligaw ang mga kilalang personalidad na sangkot sa palitan ng dayalogong ito.
Babae: (nagtatatalak) Mabuting manahimik ka na lang, ‘no!
Ang tinatalakan: Bakit ngayon mo lang ‘yan sinabi sa ‘kin?
Babae: Naku, isa pa ‘yang kabobohan ng ‘childhood friend’ mo. Hayun, tinitira-tira tuloy siya!
Ang tinatalakan: Hamo na, ‘di ba, talaga namang bobo siya?
Hanggang dito na lang ang exchange ng kanilang komunikasyon sa telepono. Again, we shall provide no leads. Dahil ayaw ng mga NGO ng ganyan, as in Napoles’ Ghost Organizations.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III