DICK ISRAEL: Ang Bidang-Kontrabida, Kumakasa Pa

ATING NAKAPANAYAM ANG bete-ranong kontrabida at bida sa iba niyang pelikula. Nakalulungkot lamang isipin na tila dumating, na ang pelikula ay may kanya-kanyang panahon. Masasabi nating tila may mga iba na namang umusbong lalo’t nauso na ang  telebisyon. Tila, ang kinikilalang mga alamat ng pelikulang Pilipino ay yumao na katulad ng Action King na si Fernando Poe, Jr.

Sa pagiging kontrabida nakilala si Dick Israel. Pero kuwidaw, mahusay rin ito sa komedya. Ilan na ang mga pelikula niyang napanood ko na may komedya at hindi matatawaran ang angking galing ng tulad niya. Narito ang kanyang kuwento ng aking maka-panayam.

“Ginawa ko ‘yung si Mayor Sanchez. Nademanda ako. Ah, ‘yung libel kasi. Kasi si Mayor Sanchez madaming pera no’n, pito ‘yung abogado n’ya. Pero nagkataong ‘yung judge nu’ng court sabi n’ya, dahil bilang actor, right ko ‘yung i-portray siya, eh. Kasi naging public figure s’ya, lumalabas din s’ya sa TV, ‘di ba?”

Ahhh, mismo! Ginaya n’yo? Ang husay tiyak ng pagkaganap n’yo roon. “May mga nominations nga ako roon, eh!”

Nanalo ba siya senyo o kayo ang nanalo? “Ah, Ako ang nanalo, kasi ‘yung judge, kumampi sa akin, eh.”

Ito ay noong gumanap siya bilang Mayor Sanchez sa 1993 film na Humanda Ka Mayor! Bahala Na Ang Diyos tungkol sa kontrobersiyal na pagpaslang sa dalawang estudyante ng UP Los Baños.

Mapunta tayo sa pelikula mo, ano ang pinaka-naaalala mo?

“Ah, ‘yung huli namin ni FPJ at ‘yung kay Bata Reyes, ‘yung Pakner. Ah, sayang kasi nawala na si FPJ.”

Nung kalakasan ng pagiging artista niyo, ano ang nami-miss n’yo? “Last day (ng shoot). Party. Tipong masaya lahat, eh…”

Pero, I think makaka- recover siya sabi ko. Oo, isa ako sa nananalangin kasi ano siya eh, ‘di basta dapat mawala basta-basta sa industriya. At ayon sa kanya, patuloy ang kanyang theraphy at nagkakaroon pa sila ng bonding sa music nina Tirso Cruz III. “Pang ano ‘yan eh, pang-relax.”  Yeah, it’s a kind of therapy. “One of the best kind of therapy.”

Nakita kong kasama ni Dick ang anak niyang babae sa loob ng studio ng TV5 na inaalalayan siya habang nakasalang sa taping ng Hapi Together sitcom bilang guest sa imbitasyon ni Direk Al Tantay. Naikuwento rin niyang meron siyang isa pang anak na nag-aaral sa UP at mahusay ring mag-sketch.

FPJ’s ‘Kalibre .45’. Ito ang kanyang ‘di makakalimutang pelikula, dahil first time niya ritong nakasama si Da King, kung saan kasagsagan ng pagganap niya sa pelikula.

Paano ho kayo na-discover? “I was taking Mechanical Engineering sa FEATI. Inoperan ako ng pelikula nu’ng uncle ni Jun Posadas na assistant director ni Maning Borlaza. Tapos nu’n pinanood ko sarili ko. Maigi pala ‘yung ganu’n, mai-in love ka sa sarili mo!”

Hahahah! ‘Ika nga fighting spirit. “’Yun ang magandang step eh, para marami kang mai-portray.” Nag-sample dialogue pa sa akin si Dick, “Ah, kasi ako ang ginagawa ko tina-Tagalog ko katulad nu’ng sabi ‘if you have a friend, you have a dog’. Sabi nu’ng ano sa kanya kela-ngan makisama ka sa amin kami ang may hawak, kami ang siga rito, eh. Kung kelangan mo ng kaibigan hindi kami dapat makisama sa inyo. Best film ‘yun, eh!”

Ayon naman sa timing niya sa komedya, ang sagot niya sa akin ay “life is a comedy”. Ay oo, hindi mawawala ‘yan. It’s a kind of art. Sa totoong buhay, may comedy talaga tayo. Life is a joke, kaya lang, iaayos mo na lang din.

Bilang mahilig kayo sa music, ano ang kadalasan ninyong  pinatutugtog? “Hotdog! Ah, kasi noong bata pa ako, barkada ko kasi ang mga banda, eh.” Ah, siyempre mga 70s na mga awitin.

Sa ngayon, nakatira si Dick sa Tandang Sora, kasama ang asawa at apat na anak.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments, suggestions, sponsors; call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected], visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleSid Lucero, may photo scandal?!
Next articleGerald Anderson and Jewel Mische: The Action Prince meets his new Princess

No posts to display