Hindi ko alam kung ang “Die Beautiful” na pelikula ni Direk Jun Lana na bida si Paolo Ballesteros at ipinalabas sa Tokyo International Film Festival ay the same version ang mapanonood ng mga Pinoy sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan.
Sa Tokyo kasi, may nakapagsabi sa amin na very daring ang mga eksena ni Paolo sa pelikula. Daring in a sense na ang love scenes niya (international version) ay baka hindi makapasa sa MTRCB for PG screening.
Sa mga nakapanood, happy, sad, at sexy ang pelikula.
Happy dahil beking-beki ang aktor sa mga eksena niya na mae-enjoy ng mga sister natin na mga kontesara at mahilig sumali sa mga beauty contest ng mga beks.
May mga sad at emote scenes din sa “Die Beautiful” dahil sa mga aral na gustong itawid ni Direk Jun at ang “pinaka” ay sexy ang pelikula na ayaw nang idetalye ng kausap namin.
As a whole, positibo kami sa pelikula. Good vibes ang feeling namin sa “Die Beautiful” dahil maging ang bidang aktor at positibo at good vibes sa buhay.
Kapag ganu’n ang aura at positive mood, international version man or Philippine version, oks lang. Alam kong aabangan ang ganitong klase ng mga pelikula ng sambayanan sa darating na Christmas.
Reyted K
By RK VillaCorta