Diego Llorico: Sipag At Tiyaga, May Nilaga

MAKULAY NA MUNDO ng artista at ‘pag involve ka sa kanila, makikita mo ang mga hugis at sari-saring kulay nito. ‘Eto at pasadahan natin ang isang Diego Llorico, mas kilala sa tawag na ‘Diego’.

Nagkikita na tayo lagi, ‘di ba? “Opo. Hahaha! Dati kasi nag-PA po ako sa Channel 5. Tapos po, nang magkaroon ako ng pagkakataon na magtrabaho sa GMA-7, nag PA po ako sa birthday celebration ni Kuya Germs. Tapos nu’n, ang manager ko na si Ralph David, bale nagtatrabaho s’ya sa GMA. Sabi n’ya, mag-stay, kaya mahigit one year din ako naghintay bago dumating ang Bubble Gang.”

Naks! Umpisahan na nating kulitin si Diego, walang personalan, trabaho lang. Curious ako, paano ka nakita ng manager mo? Hindi naman sa ano, ha? Pero ano bang charisma ang meron ka? “Nu’ng nag-uumpisa na kaming mag-ano ng Bubble Gang, may mga joke kasi na hindi gusto nila Michael V. na ipagawa sa kanila. So, napagkatuwaan, ako. Parang ‘yun na ‘yon… ‘pag may joke na pangit, ‘yun na ‘yung simula. Tapos ‘yun, nagkaroon ako ng ‘pambansang bading’… ayun.”

Ah, parang painting din, minsan natutuklasan mo ang composition at creativity nito. Pero malaki ba ang advantage ng nakikilala ka ng buong Pilipinas as a Diego? “Oo, kasi may respeto eh, kasi dati-rati ‘pag naglalakad ka eh… ‘Bakla! Bakla!’ Ganun, mga baklang kabayo. Ngayon kasi hindi na, kasi alam nila na aside from being artista nagtatrabaho ako sa loob ng production. Parang meron nang Sir Diego. Ang iniisip ko na lang eh, trabaho lang at saka role lang. At saka more than anybody else, mas kilala ko ang sarili ko.” Very good, I like your concept.

Lima silang magkakapatid, at si Diego ang bunso, at AB Masscom ang natapos niya. “Pero bago ‘yun, nagtrabaho muna ako ng works like scriptwriting din. Ang trabaho ko talaga eh, over-all segment producer. So, ako lahat ‘yung namamahala ng segments, so everything in details ako rin ang nakakaalam.”

Pero sa totoong buhay, ano ang pwede kong itawag sa ‘yo na Diego as a gender? Ay, hindi ako magets hehe… Matumbok nga nang diretsahan? Ah, kase si Direk Soxy inamin n’ya sa akin na bading s’ya talaga. “Bading naman po talaga ako at saka hindi ako nahihiya. Bata pa ako eh, bading na ako, eh. Hindi ko naman naiintindi na magiging kasiraan.”

Alam ba ninyong naging Vilmanian at Sharonian pa ito. “Totoo, nakikipag-away ako sa guwardiya para makapasok, nakikipagtulakan. Itong mga guwardyang ito lagot sila sa akin, haha!”

Kaso ‘yung binabantaan mong mga guard wala na napalitan na. Ano ang feelings mo sa babae? “Wala! Bakla akong pinanganak, bakla na siguro akong mamamatay. Never akong nagkaroon ng feeling sa babae.”

Bakit, ano sa tingin mo? Nakakadiri? “Hindi naman. Nakakadiri kung hahawakan…hahaha!” Maghubad… talagang wala kang pakialam? “Eh, wala rin sa akin, kasi feeling ko nga eh, mas maganda ang katawan ko sa kanila.”

Naku po bakla nga si Diego, hehe! Napag-usapan namin ang labing-labing niya. Anak ng tinapay nadale ka du’n. Ano pa, dancer ng SexBomb ang ipinalit? Naku po mahusay ‘yung sumayaw, ah. “Kasi ‘pag nagmahal ako, wala nang isip eh, puro puso na lang.”

Haha! Hindi puso ng sa-ging ha? Parang Valentine’s lagi? “Sa ngayon po, actually, gusto ko rin pong maging director.” Nice, nice malay mo. Sana pagdating ng araw. Puro sa showbiz lang. Sana ‘pag naging direktor ka, kilala mo pa rin ako. “Ahahahah!” Hagalpak ni Diego.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838, [email protected], [email protected]



Previous articleGawad Bihis
Next articleHeart does the ‘Banana Tripper’

No posts to display