SABI ni Diego Loyzaga sa aming virtual interview, maituturing daw na isang panibagong chapter sa buhay niya ang pagpirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos mag-expire ng kanyang contract sa Star Magic ng ABS-CBN.
Handang-handa na rin daw ulit siya sa pag-aartista pagkatapos mawala sa showbiz for almost three years?
“I feel like I have been ready for a while now kaso nga lang ang daming setbacks, ang daming nangyari sa mundo, and we were all still in this situation na hindi tayo puwedeng umabas ng mga bahay natin.
“I’m more than ready. I’d love to loose a couple of pounds and get really, really fit again pero wala ring gym, so I’m making use of what we have here in the house. But every single part of me wants to go out and work again because I’m not getting any younger na rin. I’m really just excited to go back to work,” masayang pahayag ng aktor sa ginanap na virtual presscon ng Viva.
Ano ba ang dapat asahan ng audience ngayon kay Diego?
Lahad niya, “Well, definitely more projects coz this time around I really wanna focus on the craft. I really want to focus on acting and I wanna have a lot of movies under my belt. So, this time around marami silang mapapanood.”
Ready na rin si Diego Loyzaga na tumanggap ng mature or sexy roles ngayong pumirma na siya ng management contract sa Viva Artist Agency (VAA).
“Oo naman. I won’t even call that as mature role kasi kung ano namang kailangan ng movie, kailangan ng script, ready naman po akong gawin,” lahad ng aktor.
Handa na rin daw siya sa kissing scene sa kapwa lalaki na katulad sa mga napapanood ngayong mga BL series?
“Pinag-usapan namin ito ni mama (Teresa Lozyaga). Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko itong gawin,” natatawa niyang kuwento.
“Ako naman, meron talaga akong passion sa isang story or kuwento kapag na-hook ako do’n sa kuwento, eh. If I see it in the script na I know this is really a good story, maganda yung moral lesson. Yon naman ako, eh.
“I mean, it’s just another role, another character that I’m portraying . It doesn’t reflect naman kung ano yung hilig ko sa buhay. I’m just doing my job as an artist, to portray a role of somebody else.
“So, oo naman po, I am willing. Huwag lang siguro na ganun kabulgar agad-agad. Maybe we can work towards that, pero comfortable naman po ako,” paliwanag ng binata.
Samantala, may naka-line-up ng project ang Viva para kay Diego at hawak na raw ng aktor ang script nito. Pero dahil nga pandemic, hindi pa raw napapag-usapan ang detalye ng naturang film project.