In hot water ngayon ang guwapo at sumisikat na anak ni Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga na sinasabing sangkot sa bugbugan last Sunday, March 13, early morning sa Palace Pool Club sa Bonifacio Global City, kung saan ayon sa reklamo ng magkapatid na sina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez ay kasama si Diego Loyzaga sa nambugbog sa kanila.
Nagtataka lang ako sa post ng binata last Monday, March 14, sa kanyang Instagram account na @loyzagadiegs: “I’d like to kindly ask for your patience regarding the issue involving me right now. A statement from our party will be released soon.”
Kung ganito ang statement ng mga sangkot, alam mo na may abogado na namang gagawa ng magic to cover-up kung ano man ang dapat pagtakpan.
Kung hindi totoo ang akusasyon, e ‘di sabihin na ni Diego na hindi totoo at pawang kasinungalingan ang inaakusa sa kanya sa simula pa lang na pumutok ang balita sa media.
Tuloy, hindi mo maiiwasan na magduda at mag-isip na ang mga susunod na mangyayari, isa na naman itong perya na ang mga payaso ay magpapatawa na naman at tuloy pa rin ang ungguyan.
Sa latest interview ng kaibigang Arniel Serato kay Diego, heto’t may death threat na raw ang binata mula sa kampo ng magkapatid na Lopez. Hayyyzzz….
Reyted K
By RK VillaCorta