NGAYONG ARAW ANG nakatakdang pag-uwi ni Diether Ocampo sa Pilipinas pagkatapos makaligtas mula sa cardiac arrhythmia sa Amerika. Ang arrhythmia ay disorder of the regular rhythmic beating of the heart.
Life threatening daw ang ganitong klase na maaaring mauwi sa cardiac arrest at biglang pagkamatay. Ilan sa symptoms nito ay ang pagpa-palpitate ng puso at maaaring mag-lead sa pagka-stroke gaya ng sinabi ni Claudine Barretto sa Showbiz News Ngayon (SNN) last Monday night na nakita niya nu’ng manigas ang lower part ng mukha ni Diet habang inaatake ng arrhythmia.
And it turned out pala, three straight weeks na pagod at halos walang pahinga si Diet bago lumipad patungong US. Kailangan kasing mag-pondo ng episode ni Diet para sa teleserye nila nina Angel Locsin at Sam Milby, ang Only You.
Naintindihan naman namin kung bakit mas pinili na lang niya ang bumalik agad ng ‘Pinas kesa mag-stay pa sa Los Angeles. Dahil ito sa kanyang girlfriend na si Rima Ostwani. Ayaw naman siyempre ni Diet na sobrang mag-alala sa kanya si Rima habang nasa US siya. Kaya fly agad siya pa-Manila, huh!
At least, pagbalik ni Diet, makikita naman niya na sulit ang paghihirap nila sa Only You. Number one primetime show nationwide kasi ito sa lumabas na TV rating ng TNS Media Research para sa araw ng Biyernes, June 26 with 36.5%.
Very timely naman ang pa-thanksgiving presscon ni Angel last Tuesday. Hindi lang sa mataas na ratings ng Only You ang ipinagpapasalamat ni Angel. Kasama na rin d’yan ang pagkakapanalo niya noon ng P1 million sa Pinoy Bingo Night, ang mabilis na recovery ni Diet at ang pagkakapanalo ng kauna-unahan niyang teleserye sa Kapamilya network na Lobo bilang Telenovela Program category sa 2009 Banff World Television Festival na tinatawag ding “The Rockies.” Isa itong annual event sa Canada.
MABUTI NA LANG at isa kami sa early birds among the entertainment press sa presscon cum album launching ng baguhang singer at dating Pinoy Idol finalist na si Kid Camaya. Nagkaroon kami ng chance na makausap muna ang butihing producer at kaibigan ni Kid na si Dr. Dennis Flores.
Nakabibilib sina Kid at Dr. Flores dahil talagang two-man-band lang sila sa pagbuo ng album hanggang sa presscon. Si Dr. Flores din ang pumili ng mga cover song para sa album ni Kid titled “Kid Camaya: Soul Sessions.”
Just imagine, sa kabisihan ni Dr. Flores na isang doctor at professor sa UST College of Medicine, siya pa mismo ang kumausap sa iba’t ibang record company na nagma-may-ari ng cover songs na isasama ni Kid sa kanyang album, huh!
Dito nalaman namin na si Dr. Flores ay close friend ng magkaibigang Hayden Kho at Bistek del Rosario. Kilala rin daw niya si Maricar Reyes na ex-girlfriend ni Hayden na estudyante pa lang noon kapag dumadaan siya sa Pediatrician Department ng UST.
Pero sa ngayon tutok muna si Dr. Flores sa album ni Kid na may anim na cover songs kasama ang well-applauded song number niya during the launching.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio