Wala kaming masabi sa pagiging very supportive ni Reema Oswani, ang girlfriend ngayon ni Diether Ocampo.
Muli naming nasamahan sina papa Diet sa kanyang nakaraang gift-giving event sa isang lugar sa San Fernando, Pampanga kung saan libo-libong mga grade school pupils ang pinasaya niya by sharing his blessings. Namudmod ng mga regalo at nagpakain, nagpalaro at binigyan ng entertainment ang mga nabanggit na kabataan na kung tawagin si Diet ay Jonathan, ang kanyang karakter sa Only You.
“Laging iba ang feeling, Ambet. This is just indeed my simple way of sharing the blessings na ibinibigay din sa akin ng Diyos,” tsika ni papa Diet.
Bahagi pa rin ng kanyang KIDS foundation ang naturang event kung saan on its fourth year ay halos nakapaglibot na rin sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
But this time nga ay naging extra special ito for the hunk actor dahil kay Reema. Kitang-kita namin kung paanong naging aligaga sa pag-aasikaso ang mestisang GF ni papa Diet at kung paano nito sincerely ginagawa ang makihalubilo sa masa.
“She’s God’s gift. Grabe ang naibibigay niyang inspirasyon at magandang motibasyon sa akin. Gustung-gusto niya ang kanyang ginagawa at ginagawa niya ’yun hindi lang dahil sa akin,” ang pahayag pa ni papa Diet.
Speaking of papa Diet, type na type pala nitong i-remake ang isang Dolphy classic movie na Ang Tatay Kong Nanay.
Gusto niyang gampananan ang role na minsan pang naging klasiko kay Dolphy bilang bading na nagpalaki sa isang bata na iniwan sa kanya ng kanyang lover. Isa ito sa mga mahuhusay na movies na nagawa ng National Artist na si Lino Brocka at dito nga kinakitaan ng kakaibang husay ang mga artistang sina Dolphy, Phillip Salvador at ang noo’y child wonder na si Nino Muhlach.
Kahit hindi pa nakakaganap na bading si Diet ay type na type niyang gawin ang role dahil sa challenge na hatid nito. Ang batang gumaganap bilang Santino ang type niyang gawing ‘anak’ pero clueless siya sa posibleng maging lover niya.
Wish nga niya na payagan siya ng Hari ng Komedya na ibigay sa kanya ang rights for the film to be remade. “Masarap siyang pangarapin, di ba?” tsika pa nito.
Bilib naman kami kay Eva Castillo, ang ipinahanap ni Regine Velasquez na dating karibal sa mga amateur contests at bukod-tanging tumatalo sa kanya noon.
Aba’y sino’ng mag-aakalang sa puntong ito ng kanyang buhay ay muli siyang mabibigyan ng chance to be her own star?
Sa pamamagitan ng GMA-7 at programang SRO Presents, hayun at featured story na nga ang kanyang buhay. No less than Manilyn Reynes (ang laki ng pagkakahawig ng katawan nila at aura) will play her at dahil produkto din naman ng mga singing contest si Mane, hindi naman siguro kukuwestyunin pa ang kanyang talento sa pag-awit, di ba?
‘Yun nga lang, still for us, ibang klase ang boses ni Eva. Given more breaks and chances, aarangkada pa siya as a very competent singer.
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus