ANG PAGIGING masikreto ni Diether Ocampo sa kanyang personal na buhay ay bunga marahil ng kanyang two failed love affairs.
Una, ang agad-agaran ni-lang pagpapakasal ni Kristine Hermosa na nauwi sa hiwalayan. Parang sa isang kisap-mata ang pag-i-ibigan nila ay nauwi sa wala.
Pangalawa, ang supposed to be “perfect love” na natagpuan niya sa isang non-showbiz girl na si Rima Ostwani, PR ng Rustan’s at isang commercial model & society girl.
Na-truma, si Diet. Ito ang analysis ng kaibigan namin na tagamasid sa showbiz kaya malihim na ang aktor tungkol sa kanyang personal life. Lalo na sa kanyang lovelife.
Guwapo ni Diet ngayon. Glowing at mababasa mo sa itsura niya na kahit “tahimik” ang lovelife ay iba ang aura niya. Aurang in love na in love.
Sa isang chance encounter sa aktor sa labas ng ABS-CBN habang nag-aabangan siya ng driver niya, may ibinulong kami sa kanya. “Sino ‘yong babae na kasama mo na magsimba sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes sa Makati?”
Nagulat si Diet. “Wow, ang tinik mo.” ‘Yun lang ang nasabi niya . “Sino ang source mo,” balik niyang tanong sa amin.
‘Yong girl, maganda. Mahilig naman si Diether sa mga magagandang babae. From Kristine to Rima. Wala kang itatapon. Lahat perfect ang beauty sa panlasa ng isang lalaki.
Napag-alaman naming instructor ni Diet ang babaeng ka-date niya sa simbahan. Horseback riding instructor niya ang girl who’s name skipped our mind (kaloka!). It’s the same girl na non-showbiz na ka-date ni Diet sa huling Star Magic Ball na ginawa sa Shangri-la Hotel sa Makati,
Ang pangangabayo – or shall I say the sports of Polo (sosyal, huh!) ang bagong mundo ni Diet ngayon. Sabi niya, he has a project na kakailanganin niyang matutong mangabayo. Just don’t know kung anong klaseng pangangabayo (‘wag maging malisyoso huh!).
Matagal ding hindi ko nasilayan sa pelikula si Diet. Pero with his new film 24/7 In Love (tulad ng buhay niya) ang seksi niya sa trailer.
Showing his buffy-body na half-naked at white towel lang ang nakabalot sa lower part ng katawan niya, tutoong-tutoo ang eksena at reaksyon ni Maja Salvadorna nakapareha niya sa kuwento nila sa pelikula na magugulat at manlaki ang mga mata sa nakita.
Now that Diet is in love again, hope hindi na ito sumablay pa at mauwi na sa totohanan tulad ng isang totoong kasalan.
DAHIL SA mababa lang naman ang puhunan kumpara noong panahon na dapat kasing yaman ka nina Mother Lily at Vic del Rosario para makapag-produce ng isang pelikula, with the digital format ng moviemaking (kahit sa cellphone mo ay puwede kang mag-record at mag-produce) mas maraming obra ngayon sa larangan ng indie filmmaking na nakaag-e-explore ang mga producer ng ibang mga kuwento na iaalok nila sa viewing public.
Kaya nga nang makatangap ng papuri si Eddie Garcia sa kanyang pelikulang Bwakaw kamakailan na nagustuhan ng masa at sinuportahan, hindi na rin nag-atubili ang AMYTONY Foundation na gumawa ng isang obra tungkol sa Senior Citizens.
Maganda ang tema ng pelikula na tatlo ang kuwento na tumatalakay sa buhay na Talo, Tabla, Panalo ng isang nilalang na nasa kanya nang dapit-hapon.
Sa totoo lang, sa casting ng indie film, hindi mo masasabi na budget film ito dahil bukod kay Mr. Eddie, may sarili ring kuwento si German Moreno at si Ms. Boots Anson Roa na pawang mga bida rin sa obrang ito ni Buboy Tan.
One nice thing we’ve learned na ang AmyTony Foundation ay noon pa man tumutulong na sa mga indigent at kabilang na nga ang advocacy nila na mamulat ang mga kabataan tungkol sa sitwasyon ng senior citizens natin kaya hindi mo masasabi na flash in the pan ang pagbulaga ng mga producers na sina Amy at Tony Abarquez who owns a couple of care homes sa Orange County in the State of California.
Dahil sa karanasan nila sa America (Ms. Amy is a registered nurse ang Mr. Tony is an engineer); naging peg ng pelikula ang buhay ng mga matatanda na naging client nila sa kanilang care home business.
Hoping na maging maganda ang pagtangap ng publiko sa pelikula kapag naipalabas na ito. Bukas, Thursday November 15 ay may premiere showing ang pelikula sa AFP Theatre at 6:00 pm, kung saan all-out ang suporta ng senior citizen stars natin sa showbiz na dadalo.
For tikects, contact: 0915-9740199 and look for Chito Alcid.
Reyted K
By RK VillaCorta