BAGO NAG-CELEBRATE NANG kanyang birthday si Diether Ocampo, tinanong pala siya ni Kris Aquino kung anong birthday gift ang gusto niyang matanggap. Hindi man diretsong sinabi ng aktor na pangarap niyang makapagpatayo ng eskuwelahan para sa mga batang kapus-palad, Nahulaan agad ng Queen of All Media ang gustong ipahiwatig ng binata.
Ikinuwento ni Diet sa birthday celebration niya sa Pizza Hut na nag-donate si Kristeta ng dalawang school for kids sa Ormoc, sa bayan ni Congresswoman Lucy Torres. “Ito ‘yung mga challenges, may mga bata na most of them are ‘yung juvenile delinquents. What opportunity can we give this young people? Kasi, wala talaga, marami sa kanila ay may potential, kaya lang walang opportunity. Now, we want to do, put-up a training facilities to get them engage in sports, vocational studies. Nakausap na namin ‘yung mga establishment na magbibigay sa kanila ng trabaho. So, kami, magti-train lang sa kanila,” say ng actor.
Inamin ni Diether na magkasama sila ni Kris na naghanap ng bahay somewhere in Quezon City. “Totoong sinamahan niya ako kasi, may mga kaibigan siyang broker kaya ‘yun. Ang trabaho natin nasa Quezon City. Mas convenient sa akin sa Q.C. area ako makakahanap ng bahay. Kumbaga, gusto kong makapagpundar ng bagong bahay. We’re very good friends, wala akong nakikitang problema du’n. In reality, kung mayroon kang kaibigan na sa tingin mo makakatulong sa pangangailangan, kakaila-nganin mo, sinong tatawagin mo? Nagkataon na siya ‘yung nandoon. ‘Yung ibang best friend ko hindi kasi mahagilap. Marami akong kaibigan d’yan, kaya lang busy. Sa totoo lang, wala naman kaming itinatago,” paliwanag ng binata.
Binanggit din ni Diet na hanggang ngayon, friends pa rin sila ng mga ex-girlfriend niya. “May communication pa rin kami. Maganda ‘yung kahit nagkahiwalay na kayo, magkaibigan pa rin para walang bigat sa dibdib na dinadala. You have to move on with your life. Kung hindi talaga kayo para sa isa’t isa, nangyayari ‘yun na hindi ninyo inaasahan. Si Tintin (Kristine Hermosa) wala na kaming communication. I’m happy for her dahil masaya siya sa piling ni Oyo Boy Sotto.”
Sikreto ni Diether na hanggang ngayon physically fit and still look young and handsome. “You know, aging process, there’s no secret to that. For me, you should have very happy disposition. Kung marami kang taong napapasaya, ikaw rin ang magiging masaya. It’s something that should come from within. You feel good, you look good. Ang importante, you mature, may mga taong tumatanda pero hindi nagma-mature, mahirap ‘yun.”
Hindi nga ba nalulungkot si Diet na wala siyang girlfriend sa ngayon? “Hindi lang ninyo napapansin, magaling lang akong magdala. Mahirap magkaroon ng katuwang sa buhay, ‘yung katuwang mo naman sa buhay, hindi kayo magkasundo. Hindi ko minamadali, at this point of my career, I’m very happy, I was blessed with so many big projects. I’m looking forward for more great films, more TV project. Bihira lang dumaan sa buhay ko ito. Sasamantalahin ko na, kasi kapag nag-settle-down ka that’s it, that’s a different level, iba na ‘yun. Hanggang nandito pa ako at available ako makapagbigay serbisyo sa industry. Sa mga taong nangangailangan ng tulong, I would make my self available,” pahayag niya.
Active pa rin si Diet sa kanyang K.I.D.S (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. He is set to launch the second Diether Ocampo Charity Golf Tournament na gaganapin saTagaytay Highlands on July 21. Nag-venture din siya sa indie movie ni Quark Henares na Rakenrol and will premiere on July 23 at CCP.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield