Diether Ocampo, pinagsabihan si Carlos Agassi na tigilan na ang supplements!

NAGTEKSAN KAMI NI Diether Ocampo. Pinag-iingat namin siya sa mga supplements na tine-take niya. Baka kasi ito ang nagti-trigger para himatayin siya o mag-collapse siya.

Ayon kay Diet, “Hindi. It’s been a long time since I stopped taking supplements. Placebo effect lang naman ‘yan, eh. Sinabihan ko nga si Carlos (Agassi), eh!”

Hindi namin alam kung paanong sinabihan ni Diet, pero ang sagot namin sa kanya, “Mas maganda siguro kung tama na muna ang pagpapaganda ng katawan ni Carlos. Maganda na ‘yon. Mas um-attend siya ng acting workshop kesa um-attend siya ng gym!”

Napa-“Hahaha! Ikaw talaga!” si Diet.

TRUE NAMAN, ‘DI ba? Kung talagang mahal mo ang sarili mo at career mo, eh, dapat, balanse. Pagandahin mo ang katawan mo, that’s fine. Pero ‘wag namang buong buhay mo, inilalaan mo sa pagpu-produce ng six packs o pagpapapintog ng muscles.

Ganyan kasi si Carlos Agassi, eh. Hinahangaan ang ganda at tikas ng katawan, pero bano pa ring umarte. So, kung love niya talaga ang kanyang career, eh, magsanay siyang umarte, ‘di ba?

Anyway, ayon sa Facebook account ni Carlos, nasa LA siya ngayon at ewan kung nagtatrabaho roon. LA, ha? Los Angeles. Hindi Legaspi, Albay.

NAKATUTUWA NAMAN ANG Konsehala sa District 2 ng Quezon City. Aligaga pa siyang nagsabi sa amin na baka puwede namang iparating sa buong Quezon City na kung meron silang kapamilyang me bingot o hairlip, eh, puwede niyang tulungan.

“Actually, mader, hindi lang ako, pati ang IZOD Clothing at ang Philippine Band of Mercy, sila mismo ang tutulong na maipaopera ang may bingot. At kami rin ang bahala sa kanilang speech lessons after the operation.

“Alam mo, masarap ‘yung ikaw mismo, nagbibigay ka ng hope sa tao. Ikaw mismo, nagpapaangat ng kanilang self-esteem, kaya du’n sa mga interesado, tawag lang sila sa 9220875 and look for Gaile or Erik Ibanez.”

O, ayan, ha? Sabi nga, ‘wag mawalan ng pag-asa, dahil laging May Bukas Pa after TV Patrol World.

Mag-plug ba?

At oo nga pala, parang nakukulangan si Kon. Aiko Melendez sa pagbibigay-papuri ng mga taga-industriya sa tinanghal na International Best Director (for Kinatay) na si Direk Dante Mendoza sa Cannes Film Festival.

“Kaya nag-file ako ng resolution extending the warmest and sincere congratulations and commendation of the City Mayor Feliciano Belmonte and Vice Mayor Herbert Bautista and Sangguniang Panglungsod to Mr. Brilliante Dante Mendoza for winning the recently concluded 62nd Cannes Film Festival.

“Kung maaalala mo, mader, imbes na saluduhan natin ang ating kapwa Pinoy sa nakuha niyang karangalan para sa ating bansa, mas nag-concentrate ‘yung karamihan sa sex video ni Hayden Kho.

“Eh, ang dami niyang tinalong magagaling na director, ‘di ba? Tapos, very short lang ang pagpupugay sa kanya ng mga kababayan natin. Kaya ako na ang gumawa ng move para ma-extend ang pagbibigay-pugay sa isang napakahusay na direktor!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleEugene Domingo, hinding-hindi magpapadyug kay Piolo Pascual!
Next articleLovi Poe, todo na sa pagpapa-sexy!

No posts to display