Diether Ocampo, pinatunayan ang pagiging aktor sa Rubi!

INIINTERBYU NI KUYA Germs ang alagang bagets na si Jhake Vargas sa Walang Tulugan nu’ng madaling-araw nu’ng Sunday.

Kuya Germs: “Nag-cutting ribbon pa raw kayo sa Iloilo?”

Jhake: “Ay, opo, Kuya Germs, nag-cutting ribbon po kami!”

SA SOBRANG NAGALINGAN kami sa kanya ay nag-self-balloon kami ng kamumura kay Diether Ocampo. Aba, eh, ang husay naman talaga ng mama sa Rubi, kung saan hindi niya matanggap na iniputan siya sa ulo ng asawang si Angelica Panganiban.

Juice ko po, para talagang sinapian ng demonyo si Diet dahil bugbog-sarado sa kanya si Rubi. Hindi pa nakuntento, sinuntok pa sa tiyan ang buntis na asawa kasi nga, parang nasalisihan siya ni Jake Cuenca.

I’m sure, kaisa namin ang iba pang nakapanood ng Rubi sa paghanga kay Diether. “Ay, nako, Tito Ogie, buong araw nu’ng sinu-shoot ‘yang eksenang ‘yan, walang puwedeng kumausap kay Diet, dahil nag-i-internalize at nagko-concentrate!” sey ng EP ng Rubi at Momay na si Aila.

Ganyan kami. Kahit para sa amin ay pangit ang ugali ni Diet sa personal, eh, hindi maikakailang humuhusay na siyang aktor, in fairness.

HINDI LANG PALA sa teleserye, kahit pala sa Mamarazzi ay “dual” din ang character ni Andi Eigenmann, kaya naintindihan namin ang bagets kung sa mga susunod na project niya ay ayaw na niyang gumanap na kambal.

Si Eugene Domingo ang gumanap na nanay nila ni AJ Perez bilang triplets na courtesy ng sperm donor na si Diether Ocampo.

Maganda rin ‘yung naisip na gimmick ni Diet na sa first presscon ay nakawan niya ng halik si Eugene Domingo. In fairness, nakagawa ‘yon ng ingay.

Kaya si Diet, dahil mahusay umagaw ng atensiyon ng press, puwede na siyang maging publicist.

MATARAY NAMAN ANG title na ikinakabit kay Toni Gonzaga – Ultimate Multi-Media Star. Totoo naman, dahil napakahusay na host, mahusay ring komedyana (walang ka-effort-effort), dramatic actress din.

At higit sa lahat, may boses, as in singer talaga. Kaya swak lang ang title ng album niyang “All Me,” dahil lahat ng katangian bukod sa kagandahan ay nasa kanya nang lahat.

Ang “All Me” ay fourth album na ni Toni under Star Records. “Masaya ako sa album ko, kasi, hands-on ako, alagang-alaga ako ng taga-Star Records.”

Kakaiba rin daw ‘yung tunog ng tracks dito, kasi may pagka-Asian sounding ang mga songs, “Para pasok din sa region,” sey pa ni Toni.

Kaya pala available din sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, Korea, Japan, Taiwan at Hong Kong ang “All Me,” ‘no?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz sa inyong AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Ms. F, Francis Simeon at Rommel Placente.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleEdu Manzano, walang isang salita?!
Next articleLiezel Sicangco, maraming pasabog: Ex-wife ni Robin Padilla, palaban!

No posts to display