Diether Ocampo plays challenging role as blind man in MMK

GAYA NG ISINULAT namin last issue ng Pinoy Parazzi sa aming kolum tungkol sa pagkawala ng mga bodyguards at pagbabago sa mga lips ni Gretchen Barretto, nagpaliwanag ang controversial actress sa mga isyu.

“I’m not denying it. Yes, I had my lips done. Or I have my lips done every now and then. It’s feelers only,” pahayag ni Gretchen sa launching ng second album niya mula sa Star Records titled Complicated.

In pounds and not in pesos or dollars daw ang halaga ng pagpapa-enhance niya ng kanyang lips.

“I just want them to have it done. Parang ‘di ba it’s like, it was like too thin for me, so, I felt better. I just wanted to have like pouty lips, kissable lips.”

Ang Hollywood actress na si Angelina Jolie ba ang inspirasyon niya sa pagpapa-enhance ng kanyang mga labi?

“They say it’s sexy, ‘di ba, when you have pouty lips? That’s why I pout a lot.”

Happy naman daw siya with the result. Pero aside from her lips, wala na raw siyang ibang ipinaayos sa kanyang mukha. And so far, wala raw siyang balak na magpaaayos ng iba pang bahagi sa kanyang mukha.

With regards to her bodyguards, nandy’an pa rin daw sila and still wearing barong as their uniform. Contrary sa nakarating sa aming report na naka-civilian dress na lang daw ang mga ito. Ang mga bodyguard daw kasi ni Gretchen ang sign kung hiwalay na nga sila o hindi ni Tony Boy.

“Owww! I’ve got more guards than him. Hahaha! I’m sorry. Than he does. Mali, mali ang pagkasabi ko.”

In fairness, namataan nga naming paglabas ng 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN ang dalawa sa pitong bodyguards ni Gretchen. So, meaning tama nga siguro ang manager ni Gretchen na si Boy Abunda na hindi pa nga sila hiwalay ni Tony Boy.

NAPANOOD NAMING ANG teaser ng ipalalabas na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi. Na-excite kami na ang isa sa favorite actors namin na si Diether Ocampo ang lead star at mukhang napaka-challenging ng kanyang role bilang isang bulag sa isang kakaibang hanapbuhay, huh!

In fairness, first time lang naming mapapanood ang award-winning actor na si Diether sa ganyang uri ng role. At hindi lahat ng aktor, nabibigyan ng chance to portray such very demanding role, huh! Kaya naman happy kami for Diether dahil talagang he’s still in the race among our top and well-respected actors today.

Hango sa isang kuwento ng isa sa mga naging subjects ng The Correspondents ang buhay ni Pio, ang character na gagampanan ni Diet. Ang isa rin sa pinakamahuhusay na direktor ng mga teleserye na si FM Reyes ang namahala sa episode ni Diet sa Maalaala Mo Kaya.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleOn Tony Boy’s new beauty queen girlfriend: “That’s impossible!” – Gretchen
Next articleIn observance of the Holy Week

No posts to display